Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

4 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nakatapos siya sa pagsasagawa ng ṣalāh niya, ay humihingi ng tawad nang tatlong ulit (istighfār) at nagsasabi ng: "Allāhumma anta –ssalāmu wa-minka –ssalām. Tabārakta yā dha –ljalāli wa-l'ikrām. (O Allāh, Ikaw ang Sakdal at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala Ka, O pinag-uukulan ng pagpipitagan at pagpaparangal.)" Nagsabi si Al-Walīd: "Kaya nagsabi ako kay Al-Awzā`īy: Papaano ang paghingi ng tawad?" Nagsabi ito: "Magsasabi ka ng: Astaghfiru –llah, astaghfiru –llah. (Humihingi ako ng tawad kay Allāh. Humihingi ako ng tawad kay Allāh.)"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
التصنيف الشرعيأذكار الصلاةموضوعات الحديثالذِّكْر، سنن الصلاة، صفة الصلاة
"Ang sinumang bumigkas ng Talata ng Kursīy sa katapusan ng bawat ṣalāh na iniatas, walang makakapagpigil sa kanya sa pagpasok sa Paraiso maliban na mamatay siya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā'iy sa Al-Kubrā.
التصنيف الشرعيفضائل السور والآيات، أذكار الصلاةموضوعات الحديثفضائل السور والآيات، سنن الصلاة
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagdasal siya noon, ay nagbubuka sa pagitan ng mga bisig niya [sa sandali ng pagpapatirapa] hanggang sa lumitaw ang kaputian ng mga kilikili niya.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
التصنيف الشرعيسنن الصلاة، صفة الصلاةموضوعات الحديثسنن الصلاة، صفة الصلاة
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa: "Allāhumma –ghfir lī, wa-­rḥamnī, wa-`āfinī, wa-­hdinī, wa-­rzuqnī. (O Allāh, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, paligtasin Mo ako, patnubayan Mo ako, at tustusan Mo ako.)"}
Maganda dahil sa mga patotoo nito Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
التصنيف الشرعيصفة الصلاة، أذكار الصلاةموضوعات الحديثالدعاء، سنن الصلاة، صفة الصلاة