Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

7 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Ang tagapaglantad ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglantad ng kawanggawa at ang tagapaglihim ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglihim ng kawanggawa."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag bumahin siya, ay naglalagay ng kamay niya - o ng isang tela - sa bibig niya at nagpapahina - o nagbababa - sa pamamagitan nito ng tunog niyon.}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.
"Kapag nakitagpo ang isa sa inyo sa kapatid niya, bumati siya rito; ngunit kung may nakaharang sa pagitan nilang dalawa na isang punong-kahoy o isang pader o isang bato pagkatapos nakatagpo niya ito, bumati rin siya rito."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
"Walang anuman na higit na mabigat sa timbangan ng mananampalataya sa Araw ng Pagbangon kaysa sa magandang kaasalan. Tunay na si Allāh ay namumuhi sa mahalay na bastos."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy.
"Walang dalawang Muslim na nagkasalubong saka nagkamayan malibang patatawarin silang dalawa bago silang dalawa maghiwalay."}
Tumpak dahil sa kabuuan ng mga daan nito Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Nagsagawa ng i`tikāf ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid saka nakarinig siya sa kanila na nagpapalakas ng pagbigkas kaya hinawi niya ang pantakip saka nagsabi: "Pansinin, tunay na ang bawat isa sa inyo ay nakikipagniig sa Panginoon niya. Kaya huwag ngang mamerhuwisyo ang iba sa inyo sa iba at huwag mag-angat ang iba sa inyo higit sa iba sa pagbigkas." o nagsabi siya: "... sa pagdarasal."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
"Kapag umibig ang tao sa kapatid niya, magpabatid siya rito na siya ay umiibig dito."
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām Aḥmad.