"Pakainin ninyo ang nagugutom, dalawin ninyo ang maysakit, at palayain ninyo ang bihag."}
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Pakainin ninyo ang nagugutom, dalawin ninyo ang maysakit, at palayain ninyo ang bihag."}
«أَطْعِمُوا الجَائِعَ، وَعُودُوا المَرِيضَ، وَفُكُّوا العَانِيَ».
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa tungkulin ng Muslim sa kapwa niyang Muslim ay na pakainin niya ang nagugutom, bisitahin niya ang maysakit, at palayain niya ang bilanggo.
Ang paghimok sa pagtutulungan sa pagitan ng mga Muslim.
Ang paghimok sa pagpapakain ng nagugutom na nangangailangan ng pagkain sapagkat siya ay inuutusan ng pagpapakain nito.
Ang pagkaisinasabatas ng pagdalaw sa maysakit bilang pag-alo sa damdamin niya, pagdalangin para sa kanya, pagtamo ng pabuya [kay Allāh], at iba pa roon.
Ang pagsisigasig sa pagpapalaya sa bilanggo kapag ibinilanggo siya ng mga tagatangging sumampalataya. Iyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagbabayad ng panumbas sa pagpapakawala sa kanya mula sa kanila o sa pamamagitan ng pagtutumbas ng isang ibinilanggo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya, ibig sabihin: sa pamamagitan ng pakikipagpalitan.
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (7/ 67) (5373).
Ang Karagdagan (4)
شرح رياض الصالحين.
لابن عثيمين (4/ 468).
نزهة المتقين شرح رياض الصالحين.
لمجموعة من الباحثين (1/ 685).
Binanggit sa mga aklat
2 Mga AklatAng Karagdagan (2)
- مباحث في أصول الدين1«أطعموا الجائع، وعودوا المريض، وفكّوا العاني».
- مجموعة زاد التربية الإسلامية (3)، والسيرة النبوية (3)التربية الإٍسلامية -3- «حَقُّ الْمُسْلِمِ عَلَى الْمُسْلِمِ خَمْسٌ، وذكر منها: عِيَادَةُ الْمَرِيضِ» رواه البخاري ومسلم، وعَنْ أَبِي مُوسَى الْأَشْعَرِيِّ رضي الله عنه، قَالَ: قَالَ رَسُولُ اﷲِ ﷺ: «أَطْعِمُوا الْجَائِعَ، وَعُودُوا الْمَرِيضَ، وَفُكُّوا الْعَانِيَ