"Kapag humikab ang isa sa inyo, magpigil siya sa pamamagitan ng kamay niya sa bibig niya sapagkat tunay na ang demonyo ay pumapasok."}
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Kapag humikab ang isa sa inyo, magpigil siya sa pamamagitan ng kamay niya sa bibig niya sapagkat tunay na ang demonyo ay pumapasok."}
«إِذَا تَثَاءَبَ أَحَدُكُمْ فَلْيُمْسِكْ بِيَدِهِ عَلَى فِيهِ، فَإِنَّ الشَّيْطَانَ يَدْخُلُ».
Gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang humikab sa pamamagitan ng pagbubukas ng bibig niya dahilan sa katamaran o kabusugan, na maglagay siya ng kamay niya sa bibig niya para ipantakip ito. Iyon ay dahil ang demonyo ay pumapasok sa bibig niya kapag hinayaan niya itong nakabukas, kaya naman ang paglalagay ng kamay ay magiging tagaharang sa pagpasok niyon.
Kapag nagnais ang tao na humikab, kailangan sa kanya na sumupil nito sa abot ng makakaya sa pamamagitan ng pagpigil sa bibig niya, kaya naman magpapanatili siya rito na nakatikom: hindi nakabukas. Kung hindi niya makakaya ang magpanatili ng bibig niya na nakatikom, maglagay siya ng kamay niya rito, kaya naman magtatakip siya sa bibig niya ng kamay niya.
Ang pagsunod sa mga etiketa ng Islām sa lahat ng mga kaasalan dahil ang mga ito ay sagisag ng kalubusan at mga kaasalan.
Ang pag-iingat laban sa mga pagpasok ng demonyo sa tao.
Ṣaḥīḥ Muslim (4/ 2293) (2995).
Ang Karagdagan (8)
بهجة الناظرين شرح رياض الصالحين.
لسليم الهلالي (2/ 151).
شرح رياض الصالحين.
لابن عثيمين (4/ 436).
تطريز رياض الصالحين.
لفيصل آل مبارك (ص529).
نزهة المتقين شرح رياض الصالحين.
مجموعة من الباحثين (1/ 679).
Binanggit sa mga aklat
3 Mga AklatAng Karagdagan (3)
- تحفة الأخيار تحفة الأخيار (ببيان جملة نافعة مما ورد في الكتاب والسنة من الأدعية والأذكار)«إِذَا تَثَاءَبَ أَحَدُكُمْ، فَلْيُمْسِكْ بِيَدِهِ عَلَى فِيهِ، فَإِنَّ الشَّيْطَانَ يَدْخُلُ» [96]
- رياض الصالحينرياض الصالحين مع فوائد وهدايات - 5«إذَا تَثَاءَبَ أحَدُكُمْ فلْيُمْسكْ بيَدِه عَلَىٰ فيهِ، فإنَّ الشَّيْطانَ يَدْخُلُ».
- مجموعة زاد التربية الإسلامية (3)، والسيرة النبوية (3)التربية الإٍسلامية -3- «إِذَا تَثَاءَبَ أَحَدُكُمْ، فَلْيُمْسِكْ بِيَدِهِ عَلَى فِيهِ، فَإِنَّ الشَّيْطَانَ يَدْخُلُ»