"Ang mga iyon ay mga taong kapag namatay sa kanila ang maayos na lingkod o ang maayos na lalaki, nagpapatayo sila sa ibabaw ng libingan nito ng isang sambahan
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya):
{Si Ummu Salamah ay bumanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng isang simbahang nakita niya sa lupain ng Etyopya, na tinatawag na Māriyah, saka bumanggit siya rito ng nakita niya sa loob niyon na mga larawan. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga iyon ay mga taong kapag namatay sa kanila ang maayos na lingkod o ang maayos na lalaki, nagpapatayo sila sa ibabaw ng libingan nito ng isang sambahan at nagsasalarawan sila rito ng mga larawang iyon. Ang mga iyon ay ang pinakamasasama sa mga nilikha sa ganang kay Allāh."}
أَنَّ أُمَّ سَلَمَةَ ذَكَرَتْ لِرَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَنِيسَةً رَأَتْهَا بِأَرْضِ الْحَبَشَةِ، يُقَالُ لَهَا مَارِيَةُ، فَذَكَرَتْ لَهُ مَا رَأَتْ فِيهَا مِنَ الصُّوَرِ، فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «أُولَئِكَ قَوْمٌ إِذَا مَاتَ فِيهِمُ الْعَبْدُ الصَّالِحُ، أَوِ الرَّجُلُ الصَّالِحُ، بَنَوْا عَلَى قَبْرِهِ مَسْجِدًا، وَصَوَّرُوا فِيهِ تِلْكَ الصُّوَرَ، أُولَئِكَ شِرَارُ الْخَلْقِ عِنْدَ اللهِ».
Bumanggit ang ina ng mga mananampalataya na si Ummu Salamah (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na siya, noong siya minsan ay nasa lupain ng Etyopya, ay nakakita ng isang simbahang tinatawag na Māriyah, na sa loob niyon ay may mga larawan, mga palamuti, at mga pagsasaimahen, dala ng pagtataka roon. Kaya naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kadahilanan ng paglalagay ng mga larawang ito. Nagsabi siya: "Tunay na ang mga ito na binabanggit mo, kapag namatay sa kanila ang lalaking maayos, ay nagpapatayo sa libingan nito ng isang sambahan na dinadasalan nila at nagsasalarawan sila ng mga larawang iyon." Naglinaw siya na ang tagagawa niyon ay ang pinakamasamang nilikha sa ganang kay Allāh dahil ang gawain niya ay nauuwi sa pagtatambal kay Allāh (napakataas Siya).
...:
Ang pagbabawal sa pagpapatayo ng mga masjid sa ibabaw ng mga libingan o pagsasagawa ng ṣalāh sa tabi ng mga ito o paglilibing ng mga patay sa mga masjid, bilang pagpinid sa pagsasadahilan ng Shirk.
Ang pagpapatayo ng mga masjid sa ibabaw ng mga libingan at ang paglalagay ng mga larawan sa mga ito ay gawain ng mga Hudyo at mga Kristiyano. Ang sinumang gumawa nito ay nakiwangis nga siya sa kanila.
Ang pagbabawal sa paggawa ng mga larawan ng mga may kaluluwa.
Ang sinumang nagpatayo ng isang masjid sa isang libingan at nagsalarawan dito ng mga imahen, siya ay kabilang sa pinakamasama sa nilikha ni Allāh (napakataas Siya).
Ang pangangalaga ng Sharī`ah sa bakuran ng Tawḥīd nang buong pangangalaga sa pamamagitan ng pagpinid sa lahat ng mga kaparaanan na maaaring magpahantong sa Shirk.
Ang pagsaway laban sa pagpapalabis sa mga maayos na tao dahil ito ay isang kadahilanan sa pagkasadlak sa Shirk.
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (1/ 94) (434).
Ṣaḥīḥ Muslim (1/ 375) (528).
Ang Karagdagan (14)
مرقاة المفاتيح.
لعلي القاري (7/ 2857).
توضيح الأحكام مِن بلوغ المرام.
لعبد الله البسام (2/ 115).
فتح ذي الجلال والإكرام شرح بلوغ المرام.
لابن عثيمين (1/ 598).
منحة العلام في شرح بلوغ المرام.
لعبد الله الفوزان (2/ 469).
تيسير العلام شرح عمدة الأحكام.
لعبد الله البسام (ص290).
الجديد في شرح كتاب التوحيد.
لمحمد القرعاوي (ص183).
الملخص في شرح كتاب التوحيد.
لصالح الفوزان (ص168).
Binanggit sa mga aklat
6 Mga AklatAng Karagdagan (6)
- التوحيد في ضوء عقيدة الإمام الشافعي رحمه الله ونصوصه ومروياته"أولئك إذا مات فيهم الرجل الصالح- أو العبد الصالح - بنوا على قبره مسجدا، وصوروا فيه تلك الصور، أولئك شرار الخلق عند الله".([81])
- الصلاة التي علمها النبي ﷺ الصحابة رضي الله عنهمالصلاة التي علمها النبي ﷺ الصحابة رضي الله عنهم«إِنَّ أُولَئِكَ، إِذَا كَانَ فِيهِمُ الرَّجُلُ الصَّالِحُ، فَمَاتَ، بَنَوْا عَلَى قَبْرِهِ مَسْجِدًا، وَصَوَّرُوا فِيهِ تِلْكِ الصُّوَرَ، أُولَئِكِ شِرَارُ الْخَلْقِ عِنْدَ اللهِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ»[344].
- الصلاة التي علمها النبي ﷺ الصحابة رضي الله عنهم«إِنَّ أُولَئِكَ، إِذَا كَانَ فِيهِمُ الرَّجُلُ الصَّالِحُ، فَمَاتَ، بَنَوْا عَلَى قَبْرِهِ مَسْجِدًا، وَصَوَّرُوا فِيهِ تِلْكِ الصُّوَرَ، أُولَئِكِ شِرَارُ الْخَلْقِ عِنْدَ اللهِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ»[344].
- حراسة التوحيدالتحذير من بناء المساجد على القبور«أُولَئِكَ إِذَا مَاتَ فِيهِمُ الرَّجُلُ الصَّالِحُ؛ بَنَوْا عَلَى قَبْرِهِ مَسْجِدًا، وَصَوَّرُوا فِيهِ تِلْكَ الصُّوَرَ، أُولَئِكَ شِرَارُ الْخَلْقِ عِنْدَ اللَّهِ».
- شرح الصدور بتحريم رفع القبور«أُولَئِكَ قَوْمٌ إِذَا مَاتَ فِيهِمُ الْعَبْدُ الصَّالِحُ، أَوِ الرَّجُلُ الصَّالِحُ، بَنَوْا عَلَى قَبْرِهِ مَسْجِدًا، وَصَوَّرُوا فِيهِ تِلْكَ الصُّوَرَ، أُولَئِكَ شِرَارُ الْخَلْقِ عِنْدَ اللهِ»[5].
- شرح الصدور بتحريم رفع القبور«أُولَئِكَ قَوْمٌ إِذَا مَاتَ فِيهِمُ الْعَبْدُ الصَّالِحُ، أَوِ الرَّجُلُ الصَّالِحُ، بَنَوْا عَلَى قَبْرِهِ مَسْجِدًا» [27]