Skip to content

"Huwag kayong pumigil sa mga babaing alipin ni Allāh sa mga masjid ni Allāh subalit lumabas sila habang sila ay mga di-nakapagpabango."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

"Huwag kayong pumigil sa mga babaing alipin ni Allāh sa mga masjid ni Allāh subalit lumabas sila habang sila ay mga di-nakapagpabango."}

«لَا تَمْنَعُوا إِمَاءَ اللَّهِ مَسَاجِدَ اللَّهِ، وَلَكِنْ لِيَخْرُجْنَ وَهُنَّ تَفِلَاتٌ».

Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
Maganda
Ang Pagbibigay-linaw

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa walīy at tagapanagot sa kanya laban sa pagpigil sa mga babae sa pagpasok sa mga masjid. Nag-utos siya sa mga babae sa sandali ng paglabas na lumabas sila nang hindi mga nakapabango at hindi mga nagtatanghal ng gayak nang sa gayon sila ay hindi maging kadahilanan ng pagkatukso ng mga lalaki.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang pagpapahintulot sa babae sa pagdarasal sa masjid kapag natiwasay siya sa tukso at lumabas siya nang walang paggagayak at walang pagpapabango.

Nahahango bilang patunay dahil dito na ang babae ay hindi lalabas ng bahay ng asawa niya malibang may pahintulot nito dahil sa pagkatuon ng utos sa mga asawa sa pagpapahintulot.

Ang sigasig ng Islām sa kapakanan ng mga babae at sa hindi pagpigil sa kanya sa anumang maaaring may dulot na kabutihan sa kanya sa paglabas para sa paghahanap ng kaalaman at tulad nito.

Ang pagpapatibay sa pagtangkilik (guardianship) ng lalaki sa babae at pangangalaga nito sa kanya.

Ang mga Sanggunian

Sunan Abī Dāwud (1/ 423) (565).

Ang Karagdagan (3)

شرح سنن أبي داود للعباد (78/ 6).

شرح أبي داود للعيني (3/ 50).

النهاية في غريب الحديث والأثر ص(109).