"Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa mapadaan ang lalaki sa libingan ng [ibang] lalaki saka magsasabi siya: O kung sana ako ay nasa lugar niya!"}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa mapadaan ang lalaki sa libingan ng [ibang] lalaki saka magsasabi siya: O kung sana ako ay nasa lugar niya!"}
«لاَ تَقُومُ السَّاعَةُ حَتَّى يَمُرَّ الرَّجُلُ بِقَبْرِ الرَّجُلِ فَيَقُولُ: يَا لَيْتَنِي مَكَانَهُ».
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Huling Sandali ay hindi sasapit hanggang sa mapadaan ang lalaki sa libingan saka magmimithi siya na maging isang patay sa lugar nito. Ang kadahilanan ay ang pangamba niya para sa sarili niya sa paglaho ng Relihiyon niya dahil sa pananaig ng kabulaanan at mga kampon nito at paglitaw ng mga sigalot, mga pagsuway, at mga nakasasama.
Ang pagpapahiwatig ng paglitaw ng mga pagsuway at mga sigalot sa wakas ng panahon.
Ang paghimok sa paggawa ng pag-iingat at paghahanda para sa kamatayan sa pamamagitan ng pananampalataya, mga maayos na gawa, at paglayo sa mga kinaroroonan ng mga sigalot at pagsubok.
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (9/ 58) (7115).
Ṣaḥīḥ Muslim (4/ 2231) (157).
Ang Karagdagan (4)
إكمال المعلم (8/451).
شرح ابن بطال (10/58).
الإفصاح عن معاني الصحاح (6/295).
البحر المحيط الثجاج في شرح صحيح الإمام مسلم بن الحجاج (44/ 388).