مقدمة وغلاف المنتقى من موسوعة الأحاديث النبوية

مقدمة وغلاف المنتقى من موسوعة الأحاديث النبوية

Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.

Language: lang_tl
Prepared by:
Version: 1.0
Translations 63
Akan Amharic Assamese Azerbaijani +59
Attachments 7
PDF
Audio
Video
+3

Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.

Ang Panimula

Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, ang mga kasamahan niya sa kalahatan, at ang sinumang sumunod sa kanila sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas. Sa pagsisimula,

Tunay na ang pinakamabigat na kinakailangan na pagmalasakitan ng Muslim sa pagbabasa, sa pagbubulay-bulay, sa pagninilay-nilay, sa kaalaman, at sa gawa matapos ng Aklat ni Allāh, ay ang Sunnah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga): "Mag-iiwan ako sa inyo, O mga tao, ng bagay na kung mangungunyapit kayo rito, hindi kayo maliligaw magpakailanman: ang Aklat ni Allāh at Sunnah ng Propeta Niya." Nagsalaysay nito si Imām Mālik. Nagsabi nga si Allāh (napakataas Siya): {Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo.} (Qur'ān 59:7) Dahil dito, nagsigasig ang Kapisanan ng Serbisyo ng Nilalamang Islāmiko sa Maraming Wika at ang Kapisanan ng Pag-aanyaya, Pamamatnubay, at Pagbibigay-kamalayan sa mga Nangibang-bayan sa Rabwah sa paghahanda ng Ensiklopedya ng mga Ḥadīth na Pampropeta at pagsasalin nito sa isang bilang ng mga wika.

Nagpadali nga si Allāh sa pagpili ng isang pangkat mula sa Ensiklopedyang ito, na kinakailangan ng Muslim sa nauukol sa buhay panrelihiyon niya at buhay pangmundo niya kasama ng isang pinaiksing paglilinaw rito at isang pagpapaliwanag sa mga kahulugan nito at mga pahiwatig nito at ilan sa mga katuturan nito at pagpapalabas nitong aklat na tinatawag na: "Ang Pinili Mula sa Ensiklopedya ng mga Ḥadīth na Pampropeta" Ang gawain ay nakasalalay sa pagsasalin nito sa lahat ng mga buhay na wika sa Daigdig upang lumahat ang pakinabang sa nilalaman nito at ang pagpapaabot ng Sunnah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa sangkatauhan sa mga wika nila.

Humihiling tayo kay Allāh na tumanggap Siya ng gawaing ito at na gumawa Siya rito bilang isang gawaing biniyayaang wagas na ukol sa ikalulugod ng marangal na mukha Niya. Gantihan Niya nawa ang bawat sinumang tumulong sa paghahanda nito, pagsasalin nito, at paglilimbag nito.

Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Propeta nating si Muḥammad.

Ang Pinaiksing Kabuuran

Ang mga ḥadīth na pampropeta ay ang ikalawang pinagkukunan mula sa mga pinagkukunan ng pagbabatas. Nagsabi si Allāh: {3. Hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya. 4. Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.} (Qur'ān 53:3-4)

Ang Pinili Mula sa Ensiklopedya ng mga Ḥadīth na Pampropeta na ito ay naglalaman ng isang pangkat ng mga ḥadīth na malaman, na kabilang sa kinakailangan ng Muslim sa nauukol sa buhay panrelihiyon niya at buhay pangmundo niya kasama ng isang pinaiksing paglilinaw rito at isang pagpapaliwanag sa mga kahulugan nito at mga pahiwatig nito at ilan sa mga katuturan nito. Naisalin ito sa isang bilang ng mga buhay na wika sa Daigdig upang lumahat ang pakinabang sa nilalaman nito at ang pagpapaabot ng Sunnah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa sangkatauhan sa mga wika nila.