Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

72 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan." Tinanong siya tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Impiyerno, kaya naman nagsabi siya: "Ang bibig at ang ari."}
Magandang tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Hindi matitinag ang dalawang paa ng isang tao sa Araw ng Pagbangon hanggang sa matanong siya tungkol sa buhay niya kung sa ano siya umubos nito, tungkol sa kaalaman niya kung sa ano siya gumamit nito, tungkol sa yaman niya kung mula saan siya kumita nito at kung sa ano siya gumastos nito, at tungkol sa katawan niya kung sa ano siya lumaspag nito?"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
"Walang umupong mga tao sa isang pagtitipon, na hindi sila nag-alaala kay Allāh roon at hindi sila dumalangin ng basbas para sa Propeta nila, malibang may magiging ukol sa kanila na isang hinagpis. Kung loloobin Niya, pagdurusahin Niya sila; at kung loloobin Niya, patatawarin Niya sila."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā.
{Ako minsan ay nasa likuran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw saka nagsabi siya: "O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya. Ingatan mo si Allāh, matatagpuan mo Siya sa dako mo. Kapag humingi ka, humingi ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh. Alamin mo na ang kalipunan, kung sakaling nagkaisa ito na magpakinabang sa iyo sa pamamagitan ng isang bagay, ay hindi magpapakinabang sa iyo kundi sa pamamagitan ng isang bagay na isinulat na ni Allāh para sa iyo; at kung sakaling nagkaisa sila na puminsala sa iyo sa pamamagitan ng isang bagay, ay hindi pipinsala sa iyo kundi sa pamamagitan ng isang bagay na isinulat na ni Allāh laban sa iyo. Iniangat ang mga panulat at natuyo ang mga talaan."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
"Ang kuripot ay ang sinumang nabanggit ako sa piling niya ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa akin."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām Aḥmad.
"Kapag nagtadhana si Allāh para sa isang lingkod na mamatay ito sa isang lupain, gagawa Siya para rito ng isang pangangailangan doon."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong nagtalaga ito sa kanya sa Yemen, ay nag-utos sa kanya na kumuha ka mula sa mga baka mula sa bawat tatlumpu ng isang lalaking tabī` o isang babaing tabī` at mula sa bawat apatnapu ng isang musinnah; at mula sa bawat lalaking adulto ng isang dinar o katumbas nito na mu`āfir, na mga damit sa Yemen.}
Tumpak dahil sa mga patotoo nito Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang landasing tuwid. Sa dalawang gilid ng landasin ay may dalawang pader. Sa dalawang ito ay may mga pintong pinagbubuksan. Sa mga pinto ay may mga tabing na pinalugay. Sa pinto ng landasin ay may isang tagapag-anyayang nagsasabi: 'O mga tao, pumasok kayo sa landasan nang lahatan at huwag kayong babaluktut-baluktot,' at may isang tagapag-anyayang nag-aanyaya mula sa ibabaw ng landasin, na kapag may nagnais magbukas ng anuman mula sa mga pintong iyon ay nagsasabi ito: 'Kalumbayan sa iyo! Huwag mong buksan iyan sapagkat tunay na ikaw, kung magbubukas niyan, ay lulusot ka riyan.' Ang landasin ay ang Islām. Ang dalawang pader ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang mga pintong pinagbubuksan ay ang mga pagbabawal ni Allāh. Ang tagapag-anyayang iyon sa unahan ng landasin ay ang Aklat ni Allāh. Ang tagapag-anyaya mula sa ibabaw ng landasin ay ang tagapangaral ni Allāh sa puso ng bawat Muslim."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.