Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

7 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Ang sinumang sumipi ng isang kaalaman mula sa astrolohiya ay sumipi ng isang sangay mula sa panggagaway, na nadaragdagan ito hanggat nadaragdagan iyon."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{May isang lalaking pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsalita ito sa kanya kaugnay sa ilang bagay saka nagsabi ito: "Ang niloob ni Allāh at niloob mo!" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Gumawa ka ba sa akin bilang katumbas kay Allāh? Sabihin mo: Ang niloob ni Allāh – tanging Siya."}
Ang Isnād nito ay maganda. رواه ابن ماجه والنسائي في الكبرى وأحمد
{Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang umaga ng [pagbato sa Jamrah] Al-`Aqabah habang siya ay lulan ng inahing kamelyo niya: "Mamulot ka para sa akin ng munting bato." Kaya namulot ako para sa kanya ng pitong munting bato, na siyang mga munting batong naipipitik. Nagsimula siyang nag-aalog ng mga ito sa mga kamay niya at nagsasabi siya: "Ang mga tulad ng mga ito ay ibato ninyo." Pagkatapos nagsabi siya: "O mga tao, kaingat kayo sa pagpapalabis sa Relihiyon sapagkat nagpasawi lamang sa mga bago ninyo ang pagpapalabis sa Relihiyon."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad.
{Hindi nakipaglaban ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tao kailanman hanggang sa makapag-anyaya siya sa kanila.}.
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām Al-Bayhaqīy.
{Ang sinumang dumalaw sa isang maysakit na hindi pa dumating dito ang taning nito, saka nagsabi sa piling nito ng pitong ulit: "As’alu -llāha ­-l`aḍ̆īma rabba ­-l`arshi -­l`aḍ̆īmi an yashfiyak. (Hinihiling ko kay Allāh, ang Sukdulan, ang Panginoon ng tronong sukdulan, na pagalingin ka nawa Niya)"}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa: "Allāhumma –ghfir lī, wa-­rḥamnī, wa-`āfinī, wa-­hdinī, wa-­rzuqnī. (O Allāh, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, paligtasin Mo ako, patnubayan Mo ako, at tustusan Mo ako.)"}
Maganda dahil sa mga patotoo nito Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagbaba ng: {Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 5:44), {... ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.} (Qur'ān 5:45), at {... ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 5:47). Nagsabi [ang tagasalaysay]: Nagsabi ang Anak ni `Abbās: "Nagpababa ng mga ito si Allāh kaugnay sa dalawang pangkatin kabilang sa mga Hudyo. Ang isa sa dalawang ito noon ay lumupig sa isa pa sa Panahon ng Kamangmangan hanggang sa nagkalugud-lugod sila at nagkasundu-sundo sila na ang bawat napatay na pinatay ng minamataas na pangkatin mula sa minamababang pangkatin ay may bayad-pinsala na limampung wasq at ang bawat napatay na pinatay ng minamababang pangkatin mula sa minamataas na pangkatin ay may bayad-pinsala na isandaang wasq. Sila noon ay ayon doon hanggang sa dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah. Naaba ang dalawang pangkatin – ang kapwa dalawang ito – dahil sa pagkadating ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong araw na iyon ay hindi pa nangibabaw at hindi pa nanaig sa dalawang ito, habang siya ay nasa pakikipagpayapaan pa, nang nakapatay naman ang minamababang pangkatin ng isang napatay mula sa minamataas na pangkatin. Kaya nagpamensahe ang minamataas na pangkatin sa minamababang pangkatin: "Magpadala kayo sa amin ng isandaang wasq [bilang bayad-pinsala]." Nagsabi naman ang minamababang pangkatin: "Nangyari na kaya ito sa dalawang nayon kailanman, na ang relihiyon ng dalawa ay iisa, ang kaangkanan ng dalawa ay iisa, at ang bayan ng dalawa ay iisa, na ang bayad-pinsala ng ilan sa kanila ay kalahati ng bayad-pinsala ng iba pa? Tunay na kami ay nagbigay lamang sa inyo nito dahil sa isang pang-aapi mula sa inyo sa amin at dahil sa isang pagkatakot sa inyo. Ngunit noong dumating na si Muḥammad, hindi na kami magbibigay sa inyo niyon." Kaya halos ang digmaan ay napukaw sa pagitan ng dalawang pangkatin. Pagkatapos nagkalugud-lugod sila na magtalaga sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang tagapagpasya sa pagitan nila. Pagkatapos nag-isip ang minamataas na pangkatin saka nagsabi ito [sa isa't isa]: "Sumpa man kay Allāh, hindi si Muḥammad magbibigay sa inyo mula sa kanila ng doble ng ibibigay niya sa kanila mula sa inyo." – talaga ngang nagsabi sila ng totoo – "Hindi sila nagbigay sa atin nito kundi dahil sa isang pang-aapi mula sa atin at dahil sa isang paglupig sa kanila. Kaya magpapuslit kayo papunta kay Muḥammad ng sinumang magpapabatid para sa inyo ng pananaw niya. Kung magbibigay siya ng ninanais ninyo, pahatulin ninyo siya; at kung hindi siya magbibigay sa inyo, mag-ingat kayo at huwag ninyo siyang pahatulin." Kaya nagpapuslit sila papunta sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga taong kabilang sa mga mapagpaimbabaw upang magpabatid sa kanila ng pananaw ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong dumating iyon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagpabatid si Allāh sa Sugo Nito hinggil sa nauukol sa kanila sa kabuuan nito at ninanais nila. Kaya nagpababa si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) [ng sabi Niya]: {O Sugo, huwag magpalungkot sa iyo ang mga nagmamabilis sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga nagsabi: "Sumampalataya kami," ...} (Qur'ān 5:41) hanggang sa sabi Niya: {... Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 5:47) Pagkatapos nagsabi pa [ang Anak ni `Abbās] kaugnay sa dalawang [pangkating] ito: "Bumaba ito at sa dalawang iyon tumukoy si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.