Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

22 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Ang sinumang nagpakawangis sa mga [ibang] tao, siya ay kabilang sa kanila."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Aḥmad.
"Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan at huwag kayong gumawa sa libingan ko bilang pistahan. Dumalangin kayo ng basbas sa akin sapagkat tunay na ang pagdalangin ninyo ng basbas ay umaabot sa akin saan man kayo naroon."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
{Nagdasal ako kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka siya ay bumabati sa dakong kanan niya ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh (Ang kapayapaan ay sumainyo, ang awa Niya, at ang mga pagpapala Niya)" at sa dakong kaliwa niya ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya)."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
"Ang sinumang nakipagpinsalaan, makikipagpinsalaan si Allāh sa kanya; at ang sinumang nakipagpahirapan, magpapahirap si Allāh sa kanya."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa: "Allāhumma –ghfir lī, wa-­rḥamnī, wa-`āfinī, wa-­hdinī, wa-­rzuqnī. (O Allāh, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, paligtasin Mo ako, patnubayan Mo ako, at tustusan Mo ako.)"}
Maganda dahil sa mga patotoo nito Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Isinumpa ang sinumang nakipagtalik sa maybahay niya sa tumbong nito."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, at Imām Aḥmad.