Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

11 sa 673 card

Alisin ang mga filter
Filter
Pick a property to filter by
الفئة المستهدفة1
حجم المحتوى4
التخريج المتعدد2
الخلفية الدينية للمستهدف3
التصنيف العقدي4
حجم المحتوى: متوسط

Antas ng hadith

{Nagtanong ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Aling gawain po ang higit na kaibig-ibig para kay Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagdarasal sa oras nito." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Pagkatapos ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh."} Nagsabi ang tagapagsalaysay: "Nagsanaysay siya sa akin ng mga ito. Kung sakaling nagpadagdag ako sa kanya, talaga sanang nagdagdag siya sa akin."
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
التصنيف الشرعيفضائل بر الوالدين، فضائل الأعمال الصالحة، وجوب الصلاة وفضلها وحكم تاركها، حكم الجهاد وفضلهموضوعات الحديثبر الوالدين، فضل الجهاد، مكانة الصلاة وفضلها
{Kami noon ay nasa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka tumingin siya sa buwan sa gabi – tumutukoy siya – ng kabilugan saka nagsabi siya: "Tunay na kayo ay makakikita sa Panginoon ninyo gaya ng pagkakita ninyo sa buwan na ito; hindi kayo mahihirapan sa pagkakita sa Kanya. Kaya kung makakaya ninyo na hindi kayo mapanaigan sa isang dasal bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito ay gawin ninyo." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 20:130): {at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito;}}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
التصنيف الشرعيوجوب الصلاة وفضلها وحكم تاركها، توحيد الأسماء والصفات، الحياة الآخرةموضوعات الحديثالإيمان بالله تعالى، الإيمان باليوم الآخر، مكانة الصلاة وفضلها
{Nakatagpo ko si Thawbān na alila ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ako: "Magpabatid ka sa akin hinggil sa isang gawaing gagawin ko, na magpapapasok sa akin si Allāh dahil dito sa Paraiso." O nagsabi ako: "... hinggil sa pinakakaibig-ibig sa mga gawain kay Allāh." Nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya saka nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya sa ikatlong pagkakataon saka nagsabi siya: "Nagtanong ako tungkol doon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: 'Mamalagi ka sa dami ng pagpapatirapa kay Allāh sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagpapatirapa ng isang pagpapatirapa malibang mag-aangat sa iyo si Allāh dahil dito ng isang antas at magbababa Siya buhat sa iyo dahil dito ng isang pagkakamali.'" Nagsabi si Ma`dān: "Pagkatapos nakatagpo ko si Abu Ad-Dardā' saka nagtanong ako sa kanya saka nagsabi naman siya sa akin ng tulad sa sinabi sa akin ni Thawbān."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
التصنيف الشرعيفضائل الأعمال الصالحة، وجوب الصلاة وفضلها وحكم تاركها، صلاة التطوعموضوعات الحديثمكانة الصلاة وفضلها، صلاة التطوع