Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

4 sa 673 card

Alisin ang mga filter
Filter
Pick a property to filter by
الفئة المستهدفة1
حجم المحتوى2
التخريج المتعدد3
حجم المحتوى: متوسط

Antas ng hadith

"Tunay na si Ummu Ḥabībah bint Jaḥsh na noon ay maybahay ni `Abdurraḥmān bin `Awf ay dumaing sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagdurugo. Kaya naman nagsabi siya rito: "Manatili ka ayon sa tagal na dati nang humahadlang sa iyo ang pagreregla mo, pagkatapos maligo ka." Kaya siya noon ay naliligo sa sandali ng bawat ṣalāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
التصنيف الشرعيالحيض والنفاس والاستحاضةموضوعات الحديثأحكام الغسل، أحكام الحيض والنفاس، أحكام الاستحاضة
{Naglagay ako para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pampaligo saka nagtakip ako sa kanya ng isang kasuutan. Nagbuhos siya sa mga kamay niya saka naghugas ng mga ito. Pagkatapos nagbuhos siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya sa kaliwang kamay niya saka naghugas siya ng ari niya saka tumapik siya ng kamay niya sa lupa saka pumahid nito roon. Pagkatapos naghugas siya nito saka nagmumog siya at suminghot [ng tubig], naghugas siya ng mukha niya, at mga braso niya. Pagkatapos nagbuhos siya sa ulo niya at nagpasagana siya nito sa katawan niya. Pagkatapos tumabi siya saka naghugas ng mga paa niya saka nag-abot naman ako sa kanya ng isang kasuutan ngunit hindi niya kinuha ito saka lumisan siya habang siya ay nagpapagpag ng mga kamay niya.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
التصنيف الشرعيصفة الغسلموضوعات الحديثأحكام الغسل
{Naliligo noon ako at ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lagayan ng tubig habang kapwa kami junub. Nag-uutos siya sa akin na magtapis ako saka kumakarinyo siya sa akin habang ako ay nagreregla. Naglalabas siya noon ng ulo niya patungo sa akin habang siya ay nagsasagawa ng i`tikāf saka naghuhugas naman ako nito samantalang ako ay nireregla.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
التصنيف الشرعيالحيض والنفاس والاستحاضة، أحكام الغسل، الاعتكاف، العشرة بين الزوجينموضوعات الحديثالاعتكاف، أحكام الغسل، أحكام الحيض والنفاس
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag naligo siya dahil sa janābah, ay naghuhugas ng mga kamay niya at nagsasagawa ng wuḍū' niya para sa ṣalāh, pagkatapos naliligo, pagkatapos nagsisingit ng kamay niya sa buhok niya. Hanggang sa kapag nakapagpalagay siya na siya ay nakabasa na ng anit nito, nagbubuhos naman siya rito ng tubig nang tatlong ulit, pagkatapos naghuhugas siya ng nalalabi sa katawan niya.} Nagsabi pa ito: {Naliligo noon ako at ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lalagyan [ng tubig], na sumasalok kami mula rito nang magkasama.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
التصنيف الشرعيصفة الغسلموضوعات الحديثأحكام الغسل