Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

20 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Ang lahat ng kalipunan ko ay mapagpapaumanhinan maliban sa mga naglalantad [ng kasalanan]. Tunay na kabilang sa paglalantad [ng kasalanan] na gumawa ang tao sa gabi ng isang [masamang] gawain pagkatapos magpaumaga siya habang napagtakpan na siya ni Allāh roon saka magsabi naman siya: 'O Polano, nakagawa ako kahapon ng ganito at gayon,' habang nagpamagdamag nga siya habang napagtakpan na siya ng Panginoon niya at mag-uumaga siya na magbubunyag ng pinagtakpan ni Allāh sa kanya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
التصنيف الشرعيذم المعاصيموضوعات الحديثالتوبة
{Noong bumaba ang (Qur'ān 102:8): {Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan.}, nagsabi si Az-Zubayr: "O Sugo ni Allāh, alin pong kaginhawahan ang tatanungin kami tungkol doon? Ang dalawang ito ay ang dalawang itim lamang: ang datiles at ang tubig." Nagsabi siya: "Ngunit tunay na ito ay mangyayari."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu Mājah.
التصنيف الشرعيالزهد والورع، أحوال الصالحين، تفسير الآيات، الحياة الآخرةموضوعات الحديثالإيمان باليوم الآخر، الشكرمحاور التعريف بالإسلامالحساب
"Ang sinumang naghimagsik laban sa pagtalima at nakipaghiwalay sa komunidad saka namatay, namatay siya sa pagkamatay na pangmangmang. Ang sinumang nakipaglaban sa ilalim ng pangmakabulag na watawat: nagagalit dahil sa bulag na pagkamakalahi o nagtataguyod para sa lipi o nag-aadya sa lipi saka napatay, pagkamatay na pangmangmang ito. Ang sinumang naghimagsik sa Kalipunan ko: nananaga ng mabuting-loob nito at masamang-loob nito at hindi nangingimi sa mananampalataya nito at hindi tumutupad sa may kasunduan sa kasunduan dito, hindi siya kabilang sa akin at hindi ako kabilang sa kanya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
التصنيف الشرعيالخروج على الإمامموضوعات الحديثأحكام الإمامة، الإخلاص
{Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa lalaki: nakikipaglaban dala ng katapangan, nakikipaglaban dala ng pagkamakalahi, at nakikipaglaban dala ng pakitang-tao. Ang alin doon ay sa landas ni Allāh? Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakipaglaban upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas, siya ay nasa landas ni Allāh."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
التصنيف الشرعيأعمال القلوب، أحكام ومسائل الجهاد وآدابهموضوعات الحديثفضل الجهاد، الإخلاص، الرياء