Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

23 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Dadakutin ni Allāh ang lupa at tutupiin Niya ang mga langit sa kanang kamay Niya. Pagkatapos magsasabi Siya: Ako ang Hari. Nasaan ang mga hari ng lupa?"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"O mga tao, tunay na si Allāh ay Kaaya-aya, na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya. Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo sapagkat nagsabi Siya (Qur'ān 23:51): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} at nagsabi pa Siya (Qur'ān 2:172): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.} Pagkatapos binanggit niya ang lalaki, na nagpapahaba ng paglalakbay, na nagulo [ang buhok], na naalikabukan, na nag-uunat ng mga kamay niya patungo sa langit [habang nananalangin]: "O Panginoon ko, O Panginoon ko," samantalang ang kinakain nito ay bawal, ang iniinom nito ay bawal, ang isinusuot nito ay bawal, na pinakakain sa bawal, kaya paanong tutugunin ito roon?"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na si Allāh ay talagang nagpapalugit sa tagalabag ng katarungan; hanggang sa nang dumaklot Siya rito, hindi Siya magpapalusot dito." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 11:102): {Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dumaklot Siya sa mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi.}}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Nagsabi si Allāh: "Nagpasinungaling sa Akin ang anak ni Adan samantalang hindi naging ukol sa kanya iyon. Nanlait siya sa Akin samantalang hindi naging ukol sa kanya iyon. Hinggil sa pagpapasinungaling niya sa Akin, ang sabi niya: 'Hindi Siya magpapanumbalik sa akin kung paanong nagpasimula Siya sa akin.' Ang unang paglikha ay hindi higit na magaan sa Akin kaysa sa pagpapanumbalik sa kanya. Hinggil naman sa panlalait niya sa Akin, ang sabi niya: 'Gumawa si Allāh ng anak.' Ako ay ang Kaisa-isa, ang Dulugan. Hindi Ako nagkaanak at hindi Ako ipinanganak. Hindi nagkaroon sa Akin ng isang kapantay na isa man."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
"Walang nagtatakip na isang tao sa isang tao sa Mundo malibang magtatakip sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): Ako ay nasa ganang palagay ng lingkod Ko at Ako ay kasama niya nang umaalaala siya sa Akin. Kaya kung umalaala siya sa Akin sa sarili niya, aalaala Ako sa kanya sa sarili Ko; at kung umalaala siya sa Akin sa isang konseho, aalaala Ako sa kanya sa isang konseho na higit na mabuti kaysa roon. Kung lumapit siya sa Akin nang isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya nang isang bisig; at kung lumapit siya sa Akin nang isang bisig, lalapit Ako sa kanya nang isang dipa. Kung pumunta siya sa Akin nang naglalakad, pupunta Ako sa kanya nang payagyag."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Bumababa ang Panginoon natin (napakamapagpala Siya at napakataas) sa bawat gabi tungo sa pinakamababang langit kapag natitira ang huling ikatlo ng gabi. Magsasabi Siya: Sino ang dumadalangin sa Akin para tumugon Ako sa kanya? Sino ang humihingi sa Akin para magbigay ako sa Kanya? Sino ang humihingi ng tawad sa Akin para magpatawad Ako sa kanya?"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.