Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

14 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Walang anumang tagapagmay-ari ng ginto ni ng pilak, na hindi gumaganap mula rito ng karapatan dito, malibang kapag Araw ng Pagbangon ay may pipirasuhin para sa kanya na mga piraso mula sa apoy, saka paiinitin ang mga ito sa apoy ng Impiyerno, saka papasuin sa pamamagitan ng mga ito ang gilid niya, ang noo niya, at ang likod niya. Sa tuwing lumamig ang mga ito, uulitin ang mga ito sa kanya, sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon, hanggang sa hukuman sa pagitan ng mga tao, kaya makakikita siya sa landas niya na maaaring patungo sa Paraiso at maaaring patungo sa Impiyerno."
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Hindi ba ako magsasanaysay sa inyo ng isang sanaysay tungkol sa Bulaang Kristo (Masīḥ Dajjāl), na walang nagsanaysay hinggil sa kanya na isang propeta sa mga tao nito? Tunay na siya ay kirat. Tunay na siya ay maghahatid kasama niya ng tulad ng Paraiso at Impiyerno, ngunit ang sinasabi niya na ito ay ang Paraiso ay ang Impiyerno. Tunay na ako ay nagbababala sa inyo kung paanong nagbabala hinggil sa kanya si Noe sa mga tao nito."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang mapalalapit nga na bumaba sa inyo ang Anak ni Maria bilang tagahatol na nagpapakamakatarungan para bumasag ng krus, pumatay ng baboy, mag-alis ng jizyah, at mag-umapaw ang yaman hanggang sa walang tumanggap nito na isa man."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Dadakutin ni Allāh ang lupa at tutupiin Niya ang mga langit sa kanang kamay Niya. Pagkatapos magsasabi Siya: Ako ang Hari. Nasaan ang mga hari ng lupa?"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa magkalapitan ang panahon para ang isang taon ay maging gaya ng isang buwan, ang isang buwan ay maging gaya ng isang linggo, ang isang linggo ay maging gaya ng isang araw, ang isang araw ay maging gaya ng isang oras, at ang isang oras ay maging gaya [ng bilis] ng pagkasunog ng dahon ng datiles."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
"Nakaaalam ba kayo kung sino ang bangkarota?" Nagsabi sila: "Ang bangkarota sa amin ay ang sinumang walang dirham sa kanya at walang ari-arian." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang bangkarota kabilang sa Kalipunan ko ay darating sa Araw ng Pagbangon na may dasal, ayuno, at zakāh, at darating na nakapanlait nga kay ganito, nanirang-puri kay ganiyan, lumamon ng yaman ni ganoon, nagpadanak ng dugo ni ganito, at nanakit kay ganiyan. Kaya bibigyan si ganito mula sa mga magandang gawa niya at si ganiyan mula sa mga magandang gawa niya. Saka kung naubos ang mga magandang gawa niya bago mabayaran ang kailangan sa kanya, kukuha mula sa mga kamalian nila saka itatapon ang mga ito sa kanya, pagkatapos itatapon siya sa Impiyerno."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.