Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

28 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Kung sakaling kayo ay nananalig kay Allāh nang totoong pananalig sa Kanya, talaga sanang tumustos Siya sa inyo kung paanong tumutustos Siya sa ibon: umaalis ito sa umaga na impis at bumabalik ito sa gabi na bundat."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, Imām Ibnu Ḥibbān sa Ṣaḥīḥ nito, at Imām Al-Ḥākim.
"Hindi titigil ang dila mo sa pagkanamamasa sa pag-alaala kay Allāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Ibnu Ḥibbān.
"Ang tagapaglantad ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglantad ng kawanggawa at ang tagapaglihim ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglihim ng kawanggawa."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
"O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, magpakain kayo ng pagkain, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog; papasok kayo sa Paraiso nang may kapayapaan."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Hindi ba ako magbabalita sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawa ninyo, pinakabusilak sa mga ito sa ganang May-ari ninyo, pinakaangat sa mga ito sa mga antas ninyo, pinakamabuti para sa inyo kaysa sa paggugol ng ginto at pilak, at pinakamabuti para sa inyo kaysa sa makitagpo kayo sa kaaway ninyo para tumaga kayo ng mga leeg nila at tumaga sila ng mga leeg ninyo?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Ang pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya)."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Ang sinumang nagsanggalang sa dangal ng kapatid niya, magsasanggalang si Allāh sa mukha niya sa Apoy sa Araw ng Pagbangon."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
"Nakatagpo ko si Abraham sa gabi na nagpalakbay sa akin [sa langit] saka nagsabi ito: O Muḥammad, bigkasin mo sa kalipunan mo mula sa akin ang pagbati at ipabatid mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig, na ito ay malalawak na kapatagan, na ang mga pananim nito ay Subḥāna -­llāh, Alḥamdu lillāh, Lā ilāha illa ­-llāhu, at Allāhu akbar. (Napakamaluwalhati ni Allāh, Ang papuri ay ukol kay Allāh, Walang Diyos kundi si Allāh, at Si Allāh ay Pinakadakila.)"}
Maganda dahil sa mga patotoo nito Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag bumahin siya, ay naglalagay ng kamay niya - o ng isang tela - sa bibig niya at nagpapahina - o nagbababa - sa pamamagitan nito ng tunog niyon.}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.