عربي - Arabic English Qafár af - Afar Afrikaans - Afrikanns Akan Shqip - Albanian አማርኛ - Amharic Հայերեն - Armenian অসমীয়া - Assamese Azərbaycanca - Azerbaijani Bamanankan - Bambara Bassa Bemba বাংলা - Bengali Bosanski - Bosnian Български - Bulgarian မြန်မာဘာသာ - Burmese Bisaya - Cebuano Cham Нохчий - Chechen chiCheŵa - Chewa 中文 - Chinese Адыгэбзэ - Circassian Hrvatski - Croatian Česky - Czech Dagbani Dansk - Danish فارسی دری - Dari Dendi ދިވެހި ބަސް - Dhivehi Nederlands - Dutch إستوني - Estonian Suomi - Finnish Français - French Fulfulde - Fula ქართული - Georgian Deutsch - German Ελληνικά - Greek ગુજરાતી - Gujrati Kreyòl ayisyen - Haitian Creole Hausa हिन्दी - Hindi Magyar - Hungarian Igbo Indonesia - Indonesian Italiano - Italian 日本語 - Japanese Jóola - Jola ಕನ್ನಡ - Kannada Қазақша - Kazakh ភាសាខ្មែរ - Khmer Kikuyu Ikinyarwanda - Kinyarwanda Ikirundi - Kirundi 한국어 - Korean كوردی سۆرانی - kurdish كوردي kurmancî - Kurmanji Kyrgyz ລາວ - Lao latviešu - Latvian Lingala lietuvių - Lithuanian Luganda Македонски - Macedonian Maguindanaon Malagasy - Malagasy Bahasa Melayu - Malay മലയാളം - Malayalam Mandinka मराठी - Marathi Mõõré - Moore नेपाली - Nepali أنكو - NKo Norwegian ଓଡ଼ିଆ - Odia oromoo - Oromo پښتو - Pashto فارسی - Persian Polski - Polish Portuguese ਪੰਜਾਬੀ - Punjabi Română - Romanian Русский - Russian Српски - Serbian Shona සිංහල - Sinhala Slovenščina - Slovenian Soomaaliga - Somali Soninke Sesotho - Sotho Español - Spanish Kiswahili - Swahili Svenska - Swedish Tagalog Тоҷикӣ - Tajik தமிழ் - Tamil తెలుగు - Telugu ไทย - Thai ትግረኛ - Tigrinya Türkçe - Turkish Ukrainian اردو - Urdu ئۇيغۇرچە - Uyghur Ўзбек - Uzbek Việt Nam - Vietnamese Wolof Yao Yorùbá - Yoruba Zarma زولو - Zulu
673 Mga Hadith
Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta
Mga Kategorya
Mga Kategorya (15)
Antas ng hadith
Isinalaysay sa
Ipakita ang iba pang pinagmulan
Tagapagsalaysay
Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (88)
"Kapag nagduda ang isa sa inyo sa ṣalāh niya, kaya hindi siya nakaalam kung nagdasal ba siya ng tatlo o apat [na rak`ah], ibato niya ang pagdududa at ibatay niya sa natiyak niya. Pagkatapos magpatirapa siya ng dalawang patirapa bago magsagawa ng taslīm; sapagkat kung nakapagdasal siya ng limang [rak`ah], gagawing tukol (even) ng mga ito para sa kanya ang ṣalāh niya; at kung nakapagdasal naman siya ng isang paglubos sa apat [na rak`ah], ang dalawang ito ay magiging isang pag-aaba para sa demonyo."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Huwag kayong umupo sa mga libingan at huwag kayong magdasal paharap sa mga ito."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang mu'adhdhin, ng: Ashhadu an lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah, wa-anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-muḥammadir rasūlan, wa-bi-l'islāmi dīnā. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, kay Muḥammad bilang Sugo, at sa Islām bilang Relihiyon.), patatawarin para sa kanya ang pagkakasala niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Walang anumang mga araw na ang maayos na gawain sa mga iyon ay higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mga araw na ito." Tumutukoy siya sa unang sampung araw [ng Dhulḥijjah]. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ni ang pakikibaka sa landas ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ni ang pakikibaka sa landas ni Allāh, maliban sa isang lalaking lumabas kalakip ng buhay niya at ari-arian niya saka hindi na bumalik mula roon na may anuman."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Abū Dāwud at ang pagkakasambit ay sa kanya.
"Kapag namatay ang tao, napuputol sa kanya ang gawa niya maliban sa tatlo: maliban sa isang kawanggawang nagpapatuloy, o isang kaalamang napakikinabangan, o isang anak na maayos na dumadalangin para sa kanya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Kapag narinig ninyo ang panawagan [ng ṣalāh], sabihin ninyo ang tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang nagluwalhati kay Allāh sa katapusan ng bawat ṣalāh nang tatlumpu't tatlong ulit, nagpuri kay Allāh nang tatlumpu't tatlong ulit, at nagdakila kay Allāh nang tatlumpu't tatlong ulit, kaya iyon ay siyamnapu't siyam, at nagsabi sa kalubusan ng isang daan ng: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay 'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)," patatawarin ang mga kasalanan niya, kahit pa ang mga ito ay naging tulad [ng dami] ng mga bula ng dagat."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Huwag kayong mang-alipusta sa mga patay sapagkat tunay na sila ay humantong sa [mga gawang] ipinauna nila."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.