Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

18 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Kung hindi dahil na makapagpahirap ako sa mga mananampalataya," – o: "sa Kalipunan ko," – "talaga sanang nag-utos ako sa kanila na gumamit ng siwāk sa sandali ng bawat pagdarasal."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag bumahin siya, ay naglalagay ng kamay niya - o ng isang tela - sa bibig niya at nagpapahina - o nagbababa - sa pamamagitan nito ng tunog niyon.}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.
"Tunay na ako ay hindi ipinadala bilang palasumpa. Ipinadala lamang ako bilang awa."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Hindi nag-iwan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandali ng pagkamatay niya ng isang dirham ni isang dinar ni isang lalaking alipin ni isang babaing alipin ni isang anuman maliban sa puting mola niya, sandata niya, at isang lupain, na gumawa siya sa mga ito bilang kawanggawa.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
{May isang pangkat ng mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagtanong sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa gawain niya sa lihim [na kalagayan]. Nagsabi ang isa sa kanila: "Hindi ako mag-aasawa ng mga babae." Nagsabi ang isa pa sa kanila: "Hindi ako kakain ng karne." Nagsabi naman ang isa pa sa kanila: "Hindi ako matutulog sa higaan." Kaya pumuri siya kay Allāh at nagbunyi sa Kanya saka nagsabi: "Ano ang isip ng mga taong nagsasabi ng ganito? Subalit ako ay nagdarasal, natutulog, nag-aayuno, tumitigil-ayuno, at nakikipagtalik sa mga babae. Kaya ang sinumang umayaw sa sunnah ko ay hindi kabilang sa akin."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Pinababa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [ang kasi] noong siya ay apatnapung taong gulang, saka nanatili siya sa Makkah nang labintatlong taon. Pagkatapos ipinag-utos sa kanya ang paglikas kaya lumikas siya sa Madīnah, saka nanatili siya roon nang sampung taon. Pagkatapos pinapanaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Samantalang ako ay naglalakad, biglang nakarinig ako ng isang tinig mula sa langit. Kaya nag-angat ako ng paningin ko saka ang anghel pala na dumating sa akin sa Ḥirā' ay nakaupo sa isang silya sa pagitan ng langit at lupa. Hinilakbot ako sa kanya kaya bumalik ako saka nagsabi ako: "Balutin ninyo ako." Nagpababa naman si Allāh (napakataas Siya): {O nagtatalukbong, bumangon ka saka magbabala ka.} (Qur'ān 74:1-2) hanggang sa sabi Niya: {Sa kasalaulaan ay lumayo ka.} (Qur'ān 74:5) Saka umigting ang pagkasi at nagkasunuran ito.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nakapagdasal siya noon sa madaling-araw ay umuupo sa dasalan niya hanggang sa sumikat ang araw nang maigi. Hindi siya noon tumatayo mula sa dasalan niya na pinagdasalan niya ng dasal sa madaling-araw o sa umaga hanggang sa sumikat ang araw. Kapag nakasikat ang araw, tumatayo siya at nag-uusap sila. Nagsisimula sila sa usapin ng Panahon ng Kamangmangan saka tumatawa sila at ngumingiti naman siya.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.