Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

15 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"O Propeta ni Allāh, nagsaalang-alang ka po ba kung may namahala sa amin na mga pinunong hihingi sa amin ng karapatan nila habang magkakait naman sila sa amin ng karapatan namin? Ano po ang ipag-uutos mo sa amin?" Umiwas siya rito. Pagkatapos nagtanong ito sa kanya sa ikalawa o sa ikatlong pagkakataon. Kaya hinila ito ni Al-Ash`ath bin Qays. Nagsabi naman siya: "Makinig kayo at tumalima kayo sapagkat tanging kailangan sa kanila ang ipinapasan sa kanila at kailangan sa inyo ang ipinapasan sa inyo."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang sinumang pumunta sa inyo – samantalang ang pasya ninyo ay nagkakaisa sa nag-iisang lalaki – na nagnanais na humati sa bukluran ninyo o magpawatak-watak sa pagkakaisa ninyo, patayin ninyo siya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw, saka nangaral siya sa amin ng isang marubdob na pangaral na nasindak dito ang mga puso at lumuha dahil dito ang mga mata. Kaya sinabi: "O Sugo ni Allāh, nangaral ka po sa amin ng isang pangaral ng isang namamaalam, kaya maghabilin ka po sa amin ng isang habilin." Kaya nagsabi siya: "Manatili kayo ng pangingilag magkasala kay Allāh at pagdinig at pagtalima [sa pinuno], kahit pa siya ay isang aliping Etyope. Makakikita kayo matapos ko ng isang matinding pagkakaiba-iba. Kaya manatili kayo sa Sunnah ko at Sunnah ng mga Matinong Napatnubayang Khalīfah. Kumagat kayo rito ng mga bagang ninyo. Kaingat kayo sa mga bagay-bagay na pinauso sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"O Allāh, ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka nagpahirap siya sa kanila, magpahirap Ka sa kanya; at ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka naglumanay siya sa kanila, maglumanay Ka sa kanya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Hindi magtatagumpay ang mga taong nagpangasiwa sila ng pamamahala sa kanila sa isang babae."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
"Magkakaroon ng mga pinuno saka magmamabuti kayo at magmamasama kayo. Kaya ang sinumang nagmabuti sa [kabutihan nila], mapawawalang-sala siya; at ang sinumang nagmasama [sa kasamaan nila], maliligtas siya; subalit ang sinumang nalugod at nakipagsunuran [ay masasawi]." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi po ba kami makikipaglaban sa kanila?" Nagsabi siya: "Hindi, hanggat nagdarasal sila."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang bawat isa sa inyo ay tagapangalaga saka pinananagot sa alaga niya. Kaya ang pinuno sa mga tao ay tagapangalaga at siya ay pinananagot sa kanila. Ang lalaki ay tagapangalaga sa sambahayan niya at siya ay pinananagot sa kanila. Ang babae ay tagapangalaga sa bahay ng asawa niya at anak nito at siya ay pinananagot sa kanila. Ang pinapanginoon ay tagapangalaga sa ari-arian ng amo niya at siya ay pinananagot dito. Pansinin, bawat isa sa inyo ay tagapangalaga at bawat isa sa inyo ay pinananagot sa alaga niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nangako kami ng katapatan sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pakikinig at pagtalima sa hirap at ginhawa at sa kasiglahan at katamlayan, sa [pagtanggap ng] pagtangi laban sa amin, sa hindi namin pakikipag-agawan sa pamumuno sa mga tagapagtaglay nito, at sa pagsasabi namin ng katotohanan naging saan man kami. Hindi kami nangangamba alang-alang kay Allāh sa isang paninisi ng isang tagasisi.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.