Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

5 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Ang una sa huhusgahan sa mga tao sa Araw ng Pagbangon ay kaugnay sa [pagpapadanak ng] mga dugo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling pagkakasala ang pinakamabigat sa ganang kay Allāh. Nagsabi siya: "Na gumawa ka para kay Allāh ng isang kaagaw samantalang Siya ay lumikha sa iyo." Nagsabi ako: "Tunay na iyon ay talagang mabigat." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na pumatay ka ng anak mo; nangangamba ka na kakain siya kasama mo." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na makipangalunya ka sa ginang ng kapit-bahay mo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pangungusap at nagsabi ako ng isang iba naman. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang namatay habang siya ay dumadalangin sa iba pa kay Allāh na isang kaagaw, papasok siya sa Impiyerno." Nagsabi ako mismo: "Ang sinumang namatay habang siya ay hindi dumadalangin sa isang kaagaw kay Allāh, papasok siya sa Paraiso."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – at siya ang nagtototoo at ang pinatotohanan: "Tunay na ang paglikha sa [bawat] isa sa inyo ay tinitipon sa tiyan ng ina niya nang apatnapung araw at apatnapung gabi. Pagkatapos siya ay magiging isang malalinta [sa yugtong] tulad niyon. Pagkatapos siya ay magiging isang kimpal na laman [sa yugtong] tulad niyon. Pagkatapos ipadadala sa kanya ang anghel saka papayagan ito ng apat na pangungusap [ng pagtatakda], kaya magsusulat ito ng panustos sa kanya, taning niya, gawain niya, at pagiging miserable o maligaya. Pagkatapos iihip ito sa kanya ng espiritu. Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay talagang gagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso hanggang sa walang maging nasa pagitan nito at niya kundi isang siko, ngunit makauuna naman sa kanya ang nakasulat, kaya gagawa siya ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno, kaya papasok siya sa Impiyerno. Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay talagang gagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno hanggang sa walang maging nasa pagitan nito at niya kundi isang siko, ngunit makauuna sa kanya ang nakasulat, kaya gagawa siya ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso kaya papasok siya roon."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{May nagsabing isang lalaki: "O, Sugo ni Allāh, pananagutin ba kami sa anumang ginawa namin sa Panahon ng Kamangmangan?" Nagsabi siya: "Ang sinumang gumawa ng maganda sa [panahon ng] Islām ay hindi pananagutin sa anumang ginawa niya sa Panahon ng Kamangmangan. Ang sinumang gumawa ng masagwa sa [panahon ng Islām] ay pananagutin sa una at huli."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.