Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

27 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay, saka ako isang araw ay naging malapit sa kanya habang kami ay humahayo, kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka po sa akin hinggil sa isang gawaing magpapasok sa akin sa Paraiso at maglalayo sa akin buhat sa Impiyerno." Nagsabi siya: "Talaga ngang humiling ka sa akin tungkol sa isang dakilang gawain. Tunay na ito ay talagang madali sa sinumang nagpadali nito si Allāh doon. Sasamba ka kay Allāh at huwag kang magtambal sa Kanya ng anuman. Magpapanatili ka ng pagdarasal. Magbibigay ka ng zakāh. Mag-aayuno ka sa Ramaḍān. Magsasagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh]." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba ako gagabay sa iyo sa mga pinto ng kabutihan? Ang Paraiso ay kalasag. Ang kawanggawa ay umaapula sa kasalanan kung paanong umaapula ang tubig sa apoy at ang pagdarasal ng tao sa kailaliman ng gabi [ay gayon din]." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 32:16-17: {Naghihiwalayan ang mga tagiliran nila palayo sa mga hinihigaan,} hanggang sa umabot siya, {... dati nilang ginagawa.} Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo hinggil sa ulo ng usapin sa kabuuan nito, poste nito, at rurok ng tugatog nito?" Nagsabi ako: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang ulo ng usapin ay ang Islām, ang poste nito ay ang pagdarasal, at ang rurok ng tugatog nito ay ang pakikibaka." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo hinggil sa pinakasaligan nito?" Nagsabi ako: "Opo, O Propeta ni Allāh." Kaya humawak siya sa dila niya. Nagsabi siya: "Pigilin mo sa iyo ito." Kaya nagsabi ako: "O Propeta ni Allāh, at tunay na kami po ay talagang mga pananagutin sa anumang sinasalita namin?" Kaya nagsabi siya: "Mangulila nawa sa iyo ang ina mo, O Mu`ādh! May magsusubsob kaya sa mga tao sa Impiyerno sa mga mukha nila o sa mga ilong nila kundi ang mga ani ng mga dila nila."}
Tumpak dahil sa kabuuan ng mga daan nito Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Hindi natitigil ang pagsubok sa lalaking mananampalataya at babaing mananampalataya sa sarili niya, anak niya, at yaman niya, hanggang sa makitagpo siya kay Allāh habang sa kanya ay walang kasalanan."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
"Talagang aabot nga ang kautusang ito sa inabot ng gabi at maghapon. Hindi mag-iiwan si Allāh ng isang bahay sa bayan ni sa ilang malibang magpapasok si Allāh doon ng Relihiyong ito, kalakip ng karangalan sa isang marangal at kalakip ng kahamakan sa isang hamak, isang karangalan na nagpaparangal si Allāh sa pamamagitan nito sa Islām at isang kahamakan na humahamak si Allāh sa pamamagitan nito sa Kawalang-pananampalataya." Si Tamīm Ad-Dārīy ay nagsasabi: "Nakaalam nga ako niyon sa sambahayan ko. Talaga ngang dumapo sa sinumang umanib sa Islām kabilang sa kanila ang kabutihan, ang dignidad, at ang karangalan. Talaga ngang dumapo sa sinumang naging tagatangging sumampalataya kabilang sa kanila ang kahamakan, ang panliliit, at ang [pagpataw ng] jizyah."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.