Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

7 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Huwag kayong magpasimula sa mga Hudyo at mga Kristiyano ng pagbati; kaya kapag nakatagpo kayo ng isa sa kanila sa daan, mamilit kayo sa kanya tungo sa pinakamasikip nito."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Babati ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Hindi ipinahihintulot sa isang tao na umiwas sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong gabi. Nagsasalubong silang dalawa saka tatalikod ito at tatalikod iyan. Ang pinakamabuti sa kanilang dalawa ay ang nagpapasimula ng pagbati."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Kapag nakitagpo ang isa sa inyo sa kapatid niya, bumati siya rito; ngunit kung may nakaharang sa pagitan nilang dalawa na isang punong-kahoy o isang pader o isang bato pagkatapos nakatagpo niya ito, bumati rin siya rito."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
{May isang lalaki na nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling gawain sa Islām ang pinakamabuti. Nagsabi siya: "Magbigay ka ng pagkain at bumigkas ng pagbati sa sinumang nakilala mo at sa sinumang hindi mo nakilala."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Walang dalawang Muslim na nagkasalubong saka nagkamayan malibang patatawarin silang dalawa bago silang dalawa maghiwalay."}
Tumpak dahil sa kabuuan ng mga daan nito Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Ang karapatan ng Muslim sa Muslim ay lima: ang pagtugon sa pagbati, ang pagdalaw sa maysakit, ang pagdalo sa libing, ang pagtugon sa paanyaya, at ang pagsambit ng tashmīt sa bumahin."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.