Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

14 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Bawat nakabubuti ay kawanggawa."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy mula sa ḥadīth ni Jābir at nagsalaysay nito si Imām Muslim mula sa ḥadīth ni Ḥudhayfah.
"Mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo, magdasal kayo ng limang [dasal] ninyo, mag-ayuno kayo sa buwan [ng pag-aayuno] ninyo, magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo, at tumalima kayo sa may kapamahalaan sa inyo ninyo, papasok kayo sa Paraiso ng Panginoon ninyo."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
{Nagtanong ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Aling gawain po ang higit na kaibig-ibig para kay Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagdarasal sa oras nito." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Pagkatapos ang pagsasamabuting-loob sa mga magulang." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh."} Nagsabi ang tagapagsalaysay: "Nagsanaysay siya sa akin ng mga ito. Kung sakaling nagpadagdag ako sa kanya, talaga sanang nagdagdag siya sa akin."
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang pagsamba sa panahon ng ligalig ay gaya ng paglikas patungo sa akin."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan at huwag kayong gumawa sa libingan ko bilang pistahan. Dumalangin kayo ng basbas sa akin sapagkat tunay na ang pagdalangin ninyo ng basbas ay umaabot sa akin saan man kayo naroon."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
"Ang sinumang umibig na paluwagan para sa kanya sa panustos sa kanya at antalaan para sa kanya sa taning niya ay magpanatili siya ng ugnayan sa kaanak niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.