Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

5 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Tagapagsalaysay

Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (54)
{May isang lalaking nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Huling Sandali sapagkat nagsabi ito: "Kailan po ang Huling Sandali?" Nagsabi siya: "At ano ang inihanda mo para rito?" Nagsabi ito: "Walang anuman maliban na ako ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsabi naman siya: "Ikaw ay kasama ng sinumang inibig mo."} Nagsabi si Anas: {Kaya hindi kami natuwa sa anuman gaya ng pagkatuwa namin sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ikaw ay kasama ng sinumang inibig mo."} Nagsabi si Anas: {Ako ay umiibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kina Abū Bakr at `Umar at umaasa ako na ako ay maging kasama sa kanila dahil sa pag-ibig ko sa kanila, kahit hindi ako nakagawa ng tulad sa mga gawa nila.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa magulang niya, anak niya, at mga tao sa kalahatan."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang panalangin ay hindi tinatanggihan sa pagitan ng adhān at iqāmah."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
{Ang pinakamadalas sa panalangin noon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay: "Allāhumma rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (O Allāh, Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda; at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami ng pagsasabi ng: "Ya muqalliba –lqulūbi, thabbit qalbī `alā dīnik. (O Tagapagbagu-bago ng mga puso, patatagin Mo ang puso ko sa Relihiyon Mo.)" Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sumampalataya kami sa iyo at sa inihatid mo; kaya nangangamba ka po ba para sa amin?" Nagsabi siya: "Oo; tunay na ang mga puso ay nasa pagitan ng dalawang daliri mula sa mga daliri ni Allāh, na nagbabagu-bago Siya ng mga ito kung papaano Niyang niloloob."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.