Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

80 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{Magpakaaga kayo sa ṣalāh sa hapon sapagkat tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagwaksi ng ṣalāh sa hapon, bumagsak nga ang gawa niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
{Si Ummu Salamah ay bumanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng isang simbahang nakita niya sa lupain ng Etyopya, na tinatawag na Māriyah, saka bumanggit siya rito ng nakita niya sa loob niyon na mga larawan. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga iyon ay mga taong kapag namatay sa kanila ang maayos na lingkod o ang maayos na lalaki, nagpapatayo sila sa ibabaw ng libingan nito ng isang sambahan at nagsasalarawan sila rito ng mga larawang iyon. Ang mga iyon ay ang pinakamasasama sa mga nilikha sa ganang kay Allāh."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Hindi nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang dasal matapos na bumaba sa kanya ang talatang (Qur'ān 110:1): {Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop} malibang nagsasabi siya rito ng: "Subhḥnāka rabbanā wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nawalay ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang gabi mula sa higaan. Kinapa ko siya saka bumagsak ang kamay ko sa talampakan ng mga paa niya habang siya ay nasa masjid habang ang dalawang ito ay nakatukod habang siya ay nagsasabi: "Allāhumma, innī a`ūdhu bi-riḍāka min sakhaṭika, wa-bimu`āfātika min `uqūbatika, wa-a`ūdhu bika minka; lā uhṣī thanā’an `alayka, anta kamā athnayta `alā nafsika. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa pagkalugod Mo laban sa pagkayamot Mo at sa pagpapaumanhin Mo laban sa pagpaparusa Mo at nagpapakupkop sa Iyo laban sa Iyo. Hindi ako nakabibilang ng pagbubunyi sa Iyo. Ikaw ay kung paanong nagbunyi Ka sa sarili Mo.)"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Magdasal ka nang patindig; ngunit kung hindi mo nakaya ay paupo; ngunit kung hindi mo nakaya ay [pahiga] sa tagiliran."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapasimula ng ṣalāh sa pamamagitan ng pagsasagawa ng takbīr at pagbigkas ng Kabanatang Al-Fātiḥah. Kapag yumukod siya, hindi siya nagtataas ng ulo niya at hindi siya nagbababa nito, subalit sa pagitan niyon. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod, hindi siya nagpapatirapa hanggang sa tumuwid siya habang nakatayo. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa, hindi siya nagpapatirapa hanggang sa tumuwid siya habang nakaupo. Nagsasabi siya sa bawat dalawang rak`ah ng tashahhud. Naglalatag siya ng kaliwang paa niya at nagtutukod siya ng kanang paa niya. Sumasaway siya laban sa [pag-upo sa] sakong ng demonyo at sumasaway siya laban sa paglapag ng lalaki ng mga braso niya gaya ng paglapag ng mabangis na hayop. Nagwawakas siya ng ṣalāh sa pamamagitan ng pagsasagawa ng taslīm.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Kapag isinagawa ang iqāmah ng ṣalāh, walang ṣalāh kundi ang iniatas."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nag-iiwan noon ng apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at ng dalawang rak`ah bago ng madaling-araw.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.