Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

80 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Kapag nagsabi ang mu`adhdhin ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila.) saka nagsabi naman ang isa sa inyo ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala –ṣṣalāh (Halina sa ṣalāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala –falāḥ (Halina sa tagumpay) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar [saka] nagsabi naman siya ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: lā ilāha illa –llāh [saka] nagsabi naman siya ng: lā ilāha illa –llāh, matapos niyon; papasok siya sa Paraiso."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang sinumang pumunta sa umaga sa masjid o pumunta sa gabi, maghahanda si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng isang tuluyan sa tuwing pumupunta siya sa umaga o pumupunta siya sa gabi."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, yumukod siya ng dalawang rak`ah bago siya umupo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humawak sa kamay nito at nagsabi siya: "O Mu`ādh, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay umiibig sa iyo." Saka nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta sa bawat katapusan ng ṣalāh na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad.
"Kapag nagsabi ka sa kasamahan mo: Manahimik ka, sa [ṣalāh sa] araw ng Biyernes habang ang imām ay nagtatalumpati, nagwalang-kabuluhan ka nga."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Hindi magdarasal ang isa sa inyo sa iisang damit habang sa ibabaw ng mga balikat niya ay walang anuman."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nakapagdasal siya noon sa madaling-araw ay umuupo sa dasalan niya hanggang sa sumikat ang araw nang maigi. Hindi siya noon tumatayo mula sa dasalan niya na pinagdasalan niya ng dasal sa madaling-araw o sa umaga hanggang sa sumikat ang araw. Kapag nakasikat ang araw, tumatayo siya at nag-uusap sila. Nagsisimula sila sa usapin ng Panahon ng Kamangmangan saka tumatawa sila at ngumingiti naman siya.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.