Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

63 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Ang sinumang naligo sa araw ng Biyernes ng paligo ng janābah, pagkatapos pumunta, ay para bang nag-alay siya ng isang kamelyo. Ang sinumang pumunta sa ikalawang yugto ay para bang nag-alay siya ng isang baka. Ang sinumang pumunta sa ikatlong yugto ay para bang nag-alay siya ng isang tupang may sungay. Ang sinumang pumunta sa ikaapat na yugto ay para bang nag-alay siya ng isang manok. Ang sinumang pumunta sa ikalimang yugto ay para bang nag-alay siya ng isang itlog. Kapag lumabas ang imām, dadalo ang mga anghel upang makinig sa pag-aalaala [kay Allāh]."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Si `Uthmān bin `Affān ay nagnais na [muling] ipatayo ang Masjid [ng Propeta] ngunit kinasuklaman ng mga tao iyon at inibig nila na hayaan niya iyon sa anyo niyon. Kaya naman nagsabi siya: "Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: 'Ang sinumang nagpatayo ng isang masjid para kay Allāh, magpapatayo si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng tulad nito.'"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ako noon ay nakakikita sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasagawa ng Taslim sa gawing kanan niya at gawing kaliwa niya hanggang sa makakita ako sa kaputian ng pisngi niya.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Nagtanong ang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nasa pulpito: "Ano po sa tingin mo ang salah sa gabi?" Nagsabi siya: "Dala-dalawahang [rak`ah]; ngunit kapag natakot siya na umabot sa madaling-araw, magdarasal siya ng iisang rak`ah saka magiging witr para sa kanya ang dinasal niya." Tunay na siya noon ay nagsasabi: "Gawin ninyo ang kahuli-hulihan sa salah ninyo bilang witr. Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos nito.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Inutusan ako na magpatirapa [habang nagdidiit] sa [lapag ng] pitong buto: sa noo, at tumuro siya ng kamay niya sa ilong niya, dalawang kamay, dalawang tuhod, at mga dulo ng dalawang paa; at hindi tayo magtungkos ng mga kasuutan at buhok."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{May mga lalaking pumunta kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy. Nag-alangan nga sila hinggil sa pulpito kung mula sa ano ang tabla nito. Kaya nagtanong sila sa kanya tungkol doon saka nagsabi naman siya: "Sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang nakaaalam kung mula sa ano ito. Talaga ngang nakita ko ito noong unang araw na inilagay ito at noong unang araw na umupo rito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpasugo ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Polana," na isang babae kabilang sa mga Tagaadya na pinangalanan ni Sahl, "[na nagsasabi]: 'Mag-utos ka sa alila mong karpintero na gumawa siya para sa akin ng mga tabla na uupo ako sa mga ito kapag nagsalita ako sa mga tao.' Kaya nag-utos ito roon kaya gumawa iyon ng mga ito mula sa kahoy na Tamarisko ng Al-Ghābah. Pagkatapos naghatid iyon ng mga ito saka ipinadala sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nag-utos siya na ilagay ang mga ito saka inilagay naman ang mga ito dito. Pagkatapos nakakita ako ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagdasal sa ibabaw ng mga ito at nagsagawa ng takbīr habang siya ay nasa ibabaw ng mga ito. Pagkatapos yumukod siya habang siya ay nasa ibabaw ng mga ito. Pagkatapos bumaba siya nang paurong saka nagpatirapa sa paanan ng pulpito. Pagkatapos bumalik siya; saka noong nakatapos siya, bumaling siya sa mga tao saka nagsabi: 'O mga tao, ginawa ko lamang ito upang sumunod kayo at upang matuto kayo ng pagdarasal ko.'"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Sa pagitan ng bawat dalawang adhān ay may ṣalāh. Sa pagitan ng bawat dalawang adhān ay may ṣalāh." Pagkatapos nagsabi siya sa ikalawang pagkakataon: "Para sa sinumang nagnais."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Anak ni Az-Zubayr ay nagsasabi noon sa bawat pagkatapos ng ṣalāh kapag nakapagsasagawa siya ng taslīm: "Lā ilāha illa ­–llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu ­–lmulku wa-lahu ­–lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh. Lā ilāha illa –llāh, wa-lā na`budu illā iyyāh. Lahu –nni`matu wa-lahu –lfaḍlu wa-lahu –ththanā’u –lḥasan. Lā ilāha illa –llāhu mukhliṣīna lahu –ddīna wa-law kariha –lkāfirūn. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh. Walang Diyos kundi si Allāh at wala kaming sinasamba kundi Siya. Ukol sa Kanya ang pagbibiyaya, ukol sa Kanya ang pagmamabuting-loob, at ukol sa Kanya ang magandang pagbubunyi. Walang Diyos kundi si Allāh. Bilang mga nagpapakawagas [kami] sa Kanya sa pagtalima, at kahit pa man masuklam ang mga tagatangging sumampalataya.)" Nagsabi siya: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumibigkas ng Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) kalakip ng mga ito sa pagkatapos ng bawat ṣalāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.