"Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, bumati siya sa Propeta at magsabi siya ng: Allāhumma -ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo).
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, bumati siya sa Propeta at magsabi siya ng: Allāhumma -ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, bumati siya sa Propeta at magsabi siya ng: Allāhumma -`ṣimnī mina -shshatyān -rrajīm (O Allāh, magsanggalang Ka sa akin laban sa demonyong kasumpa-sumpa). Kapag lumabas siya, bumati siya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at magsabi siya ng: Allāhumma -ajirnī mina -shshayṭān -rrajīm (O Allāh, magkalinga Ka sa akin laban sa demonyong kasumpa-sumpa)."}
«إِذَا دَخَلَ أَحَدُكُمْ المَسْجِدَ فَلْيُسَلِّمْ عَلَى النَّبِيِّ وَلْيَقُلْ: اللَّهُمَّ افْتَحْ لِي أَبْوَابَ رَحْمَتِكَ، وَإِذَا خَرَجَ فَلْيُسَلِّمْ عَلَى النَّبِيِّ وَلْيَقُلْ: اللَّهُمَّ اعْصِمْنِي مِنْ الشَّيْطَانِ الرَّجِيمِ»، وَلِلْحَاكِمِ: «وَإِذَا خَرَجَ فَلْيُسَلِّمْ عَلَى النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ وَلْيَقُلْ: اللَّهُمَّ أَجِرْنِي مِنَ الشَّيْطَانِ الرَّجِيمِ».
Gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim na kapag nagnais ito na pumasok sa masjid ay bumati siya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Allāhumma ṣalli `alā Muḥammad. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad.)" pagkatapos magsabi siya ng: "Allāhumma -ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pintuan ng awa Mo)." Kapag naman lumabas siya, bumati rin siya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at magsabi siya ng: "Allāhumma -`ṣimnī mina shshayṭāni -rrajīm. (O Allāh, magsanggalang Ka sa akin laban sa demonyong kasumpa-sumpa.)" Sa isang salaysay naman ni Al-Ḥākim: "... at magsabi siya ng: 'Allāhumma -`ṣimnī mina shshayṭāni -rrajīm. (O Allāh, magkalinga Ka sa akin laban sa demonyong kasumpa-sumpa.)'"
Ang pagsasakaibig-ibig ng panalanging ito sa sandali ng pagpasok sa masjid at paglabas mula roon.
Ang dhikr ay pangkalahatan sa lahat ng mga masjid, pati na sa Masjid na Pinakababanal.
Ang pagtatangi ng pagbanggit ng awa sa pagpasok at pagsasanggalang sa demonyo sa paglabas ay na ang pumapasok [sa masjid] ay nagsasamantala sa nagpapalapit sa kanya kay Allāh at sa Paraiso Nito kaya nababagay na bumanggit siya ng awa. Kapag naman lumabas siya, tunay na siya ay tumatahak sa Mundo kalakip ng narito na mga tagapagpalingat at mga tagapag-abala kaya nababagay na humiling siya kay Allāh ng pangangalaga at pag-iingat laban sa demonyo.
Sunan Ibnu Mājah (1/ 494) (773).
Ang Karagdagan (4)
المستدرك على الصحيحين للحاكم (1/ 325).
شرح أبي داود للعيني (2/ 374).
شرح سنن أبي داود للعباد (66/ 3).
مرشد ذوي الحجا والحاجة إلى سنن ابن ماجه والقول المكتفى على سنن المصطفى (5/ 297).
Binanggit sa mga aklat
7 Mga Aklat- Ang Muog ng Muslim Mula sa mga Dhikr ng Qur'ān at Sunnahحصن المسلم"O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pintuan ng awa Mo."[41]
- Ang Muog ng Muslim Mula sa mga Dhikr ng Qur'ān at Sunnahحصن المسلمAllāhumma -ftaḥ lī abwāba raḥmatik.
- Ang Muog ng Muslim Mula sa mga Dhikr ng Qur'ān at Sunnahحصن المسلم"O Allāh, magsanggalang Ka sa akin laban sa demonyong kasumpa-sumpa."[43]
- Ang Muog ng Muslim Mula sa mga Dhikr ng Qur'ān at Sunnahحصن المسلمAllāhumma -`ṣimnī mina -shshayṭāni -rrajīm.
Ang Karagdagan (3)
- الذكر والدعاء والعلاج بالرقي من الكتاب والسنة"إذا دخل أحدكم المسجد فليسلم على النبي - صلى الله عليه وسلم - وليقل: اللهم افتح لي أبواب رحمتك، وإذا خرج فليسلم على النبي - صلى الله عليه وسلم - وليقل اللهم اعصمني من الشيطان الرجيم" .
- تحفة الأخيار تحفة الأخيار (ببيان جملة نافعة مما ورد في الكتاب والسنة من الأدعية والأذكار)«إِذَا دَخَلَ أَحَدُكُمُ الْمَسْجِدَ، فَلْيُسَلِّمْ عَلَى النَّبِيِّ ﷺ، وَلْيَقُلْ: اللَّهُمَّ افْتَحْ لِي أَبْوَابَ رَحْمَتِكَ، وَإِذَا خَرَجَ، فَلْيُسَلِّمْ عَلَى النَّبِيِّ ﷺ، وَلْيَقُلْ: اللَّهُمَّ اعْصِمْنِي مِنَ الشَّيْطَانِ الرَّجِيم
- رسالة في الأذكار1«إِذَا دَخَلَ أَحَدُكُمُ المَسْجِدَ فَلْيُسَلِّمْ عَلَى النَّبِيِّ صلى الله عليه وسلم ثُمَّ لْيَقُلْ...». وذَكَرَه.