Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

6 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Tagapagsalaysay

Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (51)
"Nakatagpo ko si Abraham sa gabi na nagpalakbay sa akin [sa langit] saka nagsabi ito: O Muḥammad, bigkasin mo sa kalipunan mo mula sa akin ang pagbati at ipabatid mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig, na ito ay malalawak na kapatagan, na ang mga pananim nito ay Subḥāna -­llāh, Alḥamdu lillāh, Lā ilāha illa ­-llāhu, at Allāhu akbar. (Napakamaluwalhati ni Allāh, Ang papuri ay ukol kay Allāh, Walang Diyos kundi si Allāh, at Si Allāh ay Pinakadakila.)"}
Maganda dahil sa mga patotoo nito Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
"Ang pagmamasama ng pangitain ay pagtatambal [kay Allāh]. Ang pagmamasama ng pangitain ay pagtatambal [kay Allāh]. Ang pagmamasama ng pangitain ay pagtatambal [kay Allāh]." Tatlong ulit. Walang kabilang sa atin malibang [nakaranas nito] subalit si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nag-aalis nito sa pamamagitan ng pananalig."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa, ni ang mahalay, ni ang bastos."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
"Magpaningning si Allāh sa isang taong nakarinig mula sa amin ng isang bagay saka nagpaabot nito kung paanong narinig niya sapagkat marahil may isang pinagpaparatingang higit na nakamamalay kaysa sa isang nakarinig."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Nagturo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng talumpati ng pangangailangan: "Inna –lḥamda lillāh, nasta`īnuhu wa-nastaghfiruhu wa-na`ūdhu bihi min shurūri anfusinā. Man yahdi –llāhu, fa-lā muḍilla lah; wa-man yuḍlil, fa-lā hādiya lah. Wa-ashhadu al lā ilāha illa –llāhu wa-ashhadu anna Muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Yā ayyuha –nnāsu –ttaqū rabbakumu –lladhī khalaqakum min nafsin wāḥidatin wa-khalaqa minhā zawjahā wa-baththa minhumā rijālan kathīran wa-nisā'an wa-ttaqu –llāha –lladhī tasā'alūna bihi wa-l'arḥām; inna –llāha kāna `alaykum raqībā. (Qur'ān 4:1) Yā ayyuha –lladhīna āmanu –ttaqu –llāha ḥaqqa tuqātihi wa-lā tamūtunna illa wa-antum muslimūn. (Qur'ān:102) Yā'ayyuha –lladhīna āmanu –ttaqu –llāha wa-qūlū qawlan sadīdan yuṣliḥ lakum a`mālakum wa-yaghfir lakum dhunūbakum; wa-man yuṭi`i –llāha wa-rasūlahu fa-qad fāza fawzan `aḍ̆īmā. (Qur'ān 33:70-71) (Tunay na ang papuri ay ukol kay Allāh; nagpapatulong tayo sa Kanya, humihingi tayo ng tawad sa Kanya, at nagpapakupkop tayo laban sa mga masama sa mga sarili natin. Ang sinumang pinatnubayan ni Allāh ay walang magliligaw rito at ang sinumang iniligaw ni Allāh ay walang magpapatnubay rito. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na naghihilingan kayo sa pamamagitan Niya, at sa mga sinapupunan. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid. O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh nang totoong pangingilag magkasala sa Kanya, at huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga Muslim. O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at magsabi kayo ng sinasabing tama, magsasaayos Siya para sa inyo ng mga gawain ninyo at magpapatatawad Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay nagtamo nga ng isang pagkatamong sukdulan.)"
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon siya dahil dito ng isang gawang maganda. Ang gawang maganda ay [may gantimpalang] katumbas sa sampung tulad nito. Hindi ko sinasabing ang alif lām mīm ay isang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang lām ay isang titik at ang mīm ay isang titik."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.