Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

72 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kina Abū Bakr at `Umar: "Ang dalawang ito ay dalawang pinapanginoon ng mga matanda sa mga maninirahan sa Paraiso mula sa mga una at mga huli, maliban sa mga propeta at mga isinugo."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
"Nagtatagubilin ako sa inyo ng pangingilag magkasala kay Allāh, at pagdinig at pagtalima kahit pa namuno sa inyo ang isang alipin. Tunay na ang sinumang mamumuhay [nang matagal] kabilang sa inyo ay makakikita ng maraming pagkakaiba-iba. Kaya naman manatili kayo sa sunnah ko at sunnah ng mga Matinong Nagabayang Khalīfah at kumagat kayo rito ng mga bagang [ninyo]. Kaingat kayo sa mga pinauso sa mga bagay-bagay sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan ..."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy.
"Hindi pumuno ang isang tao ng isang sisidlang higit na masama kaysa sa isang tiyan. Kasapatan sa anak ni Adan na may mga makakaing magtatayo sa likod niya; saka kung naging hindi posible, isang sangkatlo ay para sa pagkain niya, isang sangkatlo ay para sa inumin niya, at isang sangkatlo ay para sa paghinga niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, at Imām Ibnu Mājah.
"Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo tungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām An-Nasā'īy.
"Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking binanggit ako sa piling niya ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa akin. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking pumasok sa kanya ang Ramaḍān pagkatapos lumipas ito bago mapatawad siya. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking nakaabot sa piling niya ang mga magulang ng katandaan ngunit hindi sila nagpapasok sa kanya sa Paraiso."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
"Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa paslit hanggang sa magbinata siya, at sa baliw hanggang sa makapag-unawa siya."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Walang anuman na higit na mabigat sa timbangan ng mananampalataya sa Araw ng Pagbangon kaysa sa magandang kaasalan. Tunay na si Allāh ay namumuhi sa mahalay na bastos."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy.
"Talaga ngang humiling ka tungkol sa isang dakilang gawain. Tunay na ito ay talagang madali sa sinumang nagpadali nito si Allāh sa kanya. Sasamba ka kay Allāh at hindi ka magtatambal sa Kanya ng anuman. Magpapanatili ka ng pagdarasal. Magbibigay ka ng zakāh. Mag-aayuno ka sa Ramaḍān. Magsasagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh]." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba ako gagabay sa iyo sa mga pinto ng kabutihan? Ang pag-aayuno ay kalasag. Ang kawanggawa ay umaapula sa kamalian kung paanong umaapula ang tubig sa apoy. Ang pagdarasal ng tao sa kailaliman ng gabi [ay gayon din]." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 32:16-17: {Naghihiwalayan ang mga tagiliran nila palayo sa mga hinihigaan,} hanggang sa umabot siya, {... dati nilang ginagawa.} Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo hinggil sa ulo ng usapin sa kabuuan nito, poste nito, at rurok ng tugatog nito?" Kaya nagsabi ako: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang ulo ng usapin ay ang Islām, ang poste nito ay ang pagdarasal, at ang rurok ng tugatog nito ay ang pakikibaka." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba ako magpapabatid sa iyo hinggil sa pinakasaligan niyon sa kabuuan niyon?" Nagsabi ako: "Opo, O Propeta ni Allāh." Kaya humawak siya sa dila niya at nagsabi siya: "Pigilin mo sa iyo ito." Kaya nagsabi ako: "O Propeta ni Allāh, at tunay na kami po ay talagang mga pananagutin sa anumang sinasalita namin?" Kaya nagsabi siya: "Mangulila nawa sa iyo ang ina mo, O Mu`ādh! May magsusubsob kaya sa mga tao sa Impiyerno sa mga mukha nila o sa mga ilong nila kundi dahil sa mga ani ng mga dila nila?"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.