Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

3 sa 673 card

Alisin ang mga filter
Siya noon ay nagsasabi kapag inumaga siya: "Allāhumma bika aṣbaḥnā, wa-bika amsaynā, wa-bika naḥyā, wa-bika namūt, wa-ilayka -nnushūr. (O Allāh, sa pamamagitan Mo ay inumaga kami, sa pamamagitan Mo ay ginabi kami, sa pamamagitan Mo ay nabubuhay kami, sa pamamagitan Mo ay mamamatay kami, at tungo sa Iyo ang pagkabuhay.)" Kapag ginabi siya, nagsasabi siya: "[Allāhumma] bika amsaynā, wa-bika aṣbaḥnā, wa-bika naḥyā, wa-bika namūt, wa-ilayka -nnushūr. ([O Allāh,] sa pamamagitan Mo ay ginabi kami, sa pamamagitan Mo ay inumaga kami, sa pamamagitan Mo ay nabubuhay kami, sa pamamagitan Mo ay mamamatay kami, at tungo sa Iyo ang pagkabuhay.)" Nagsabi naman siya sa ibang pagkakataon: "... wa-ilayka -lmaṣīr (... at tungo sa Iyo ang kahahantungan.)"}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām Ibnu Mājah.
"Walang anumang higit na marangal kay Allāh (napakataas Siya) kaysa sa panalangin."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, bumati siya sa Propeta at magsabi siya ng: Allāhumma -ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, bumati siya sa Propeta at magsabi siya ng: Allāhumma -`ṣimnī mina -shshatyān -rrajīm (O Allāh, magsanggalang Ka sa akin laban sa demonyong kasumpa-sumpa). Kapag lumabas siya, bumati siya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at magsabi siya ng: Allāhumma -ajirnī mina -shshayṭān -rrajīm (O Allāh, magkalinga Ka sa akin laban sa demonyong kasumpa-sumpa)."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah at Al-Hakim.