Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

26 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Tunay na sa pagitan ng tao at ng shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Na may isang lalaking nagtanong sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi ito: "Nagtuturing ka ba – kapag nagdasal ako ng mga isinatungkulin, nag-ayuno ako sa Ramaḍān, nagsapahintulot ako ng ipinahihintulot at nagbawal ako ng bawal, at hindi ako nagdagdag doon ng anuman – na papasok ba ako sa Paraiso?" Nagsabi siya: "Oo." ...}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Walang nagpaparatang na isang lalaki sa isang lalaki ng kasuwailan at walang nagpaparatang dito ng kawalang-pananampalataya malibang manunumbalik ito sa kanya, kung ang pinaratangan niya ay hindi naging gayon."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"May apat na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, siya ay naging isang mapagpaimbabaw na lantay; at ang sinumang may naging nasa kanya na isang katangian mula sa mga ito, may naging nasa kanya na isang katangian mula sa isang pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nakipagkasunduan siya, nagtatraydor siya; kapag nangako siya, sumisira siya; kapag nakipag-alitan siya, nagsasamasamang-loob siya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – at siya ang nagtototoo at ang pinatotohanan: "Tunay na ang paglikha sa [bawat] isa sa inyo ay tinitipon sa tiyan ng ina niya nang apatnapung araw at apatnapung gabi. Pagkatapos siya ay magiging isang malalinta [sa yugtong] tulad niyon. Pagkatapos siya ay magiging isang kimpal na laman [sa yugtong] tulad niyon. Pagkatapos ipadadala sa kanya ang anghel saka papayagan ito ng apat na pangungusap [ng pagtatakda], kaya magsusulat ito ng panustos sa kanya, taning niya, gawain niya, at pagiging miserable o maligaya. Pagkatapos iihip ito sa kanya ng espiritu. Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay talagang gagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso hanggang sa walang maging nasa pagitan nito at niya kundi isang siko, ngunit makauuna naman sa kanya ang nakasulat, kaya gagawa siya ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno, kaya papasok siya sa Impiyerno. Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay talagang gagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno hanggang sa walang maging nasa pagitan nito at niya kundi isang siko, ngunit makauuna sa kanya ang nakasulat, kaya gagawa siya ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso kaya papasok siya roon."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{May dumating na isang lalaki sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa mga naninirahan sa Najd, na magulo ang ulo. Naririnig namin ang alingawngaw ng tinig nito at hindi namin nauunawaan ang sinasabi nito hanggang sa nalapit ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka biglang ito ay nagtatanong tungkol sa Islām. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Limang pagdarasal sa araw at gabi." Nagsabi naman ito: "Kailangan kaya sa akin ang iba pa sa mga ito?" Nagsabi siya: "Hindi, maliban na magkusang-loob ka; at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān." Nagsabi naman ito: "Kailangan kaya sa akin ang iba pa rito?" Nagsabi naman siya: "Hindi, maliban na magkusang-loob ka." Binanggit sa kanya ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang zakāh. Nagsabi naman ito: "Kailangan kaya sa akin ang iba pa rito?" Nagsabi naman siya: "Hindi, maliban na magkusang-loob ka." Kaya lumisan ang lalaki habang ito ay nagsasabi: "Sumpa man kay Allāh, hindi ako magdaragdag dito at hindi ako magbabawas mula rito." Nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagtagumpay siya kung nagtotoo siya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{May mga taong kabilang sa mga kampon ng Shirk, na sila noon nga ay pumatay at nagparami [ng pagpatay] at nangalunya at nagparami [ng pangangalunya] saka pumunta kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "Tunay na ang sinasabi mo at inaanyaya mo ay talagang maganda. Kung sakaling magpapabatid ka sana sa amin na sa ginawa namin ay may panakip-sala." Kaya bumaba [ang talatang]: {[Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya.} (Qur'ān 25:68) at bumaba [ang talatang]: {Sabihin mo [na sinabi Ko]: "O mga lingkod Ko na nagpakalabis laban sa mga sarili nila, huwag kayong masiraan ng loob sa awa ni Allāh;} (Qur'ān 39: 53).}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dasal sa madaling-araw sa Ḥudaybīyah sa pagkalipas ng isang ulan na nangyari sa gabi, saka noong nakatapos siya ay humarap siya sa mga tao saka nagsabi: "Nakaaalam ba kayo kung ano ang sinabi ng Panginoon ninyo?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Nagsabi [si Allāh]: "Kinaumagahan, mayroon sa mga lingkod Ko na mananampalataya sa Akin at tagatangging-sumampalataya. Hinggil sa sinumang nagsabi na inulan kami dahil sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya, iyon ay mananampalataya sa Akin at tagatangging-sumampalataya sa tala; at hinggil naman sa sinumang nagsabi na [inulan kami] dahil sa bituing ganito at gayon, iyon ay tagatangging-sumampalataya sa Akin at mananampalataya sa tala."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.