Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

5 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

{Nagsanaysay sa amin si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na may isang lalaking nagsabi: "O Propeta ni Allāh, papaano pong bubuhayin ang tagatangging sumampalataya [nang naglalakad] sa mukha niya?" Nagsabi siya: "Hindi ba ang nagpalakad sa kanya sa dalawang paa sa Mundo ay nakakakaya na magpalakad sa kanya sa mukha niya sa Araw ng Pagbangon?"} Nagsabi si Qatādah: "Siya nga, sumpa man sa kapangyarihan ng Panginoon natin."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling pagkakasala ang pinakamabigat sa ganang kay Allāh. Nagsabi siya: "Na gumawa ka para kay Allāh ng isang kaagaw samantalang Siya ay lumikha sa iyo." Nagsabi ako: "Tunay na iyon ay talagang mabigat." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na pumatay ka ng anak mo; nangangamba ka na kakain siya kasama mo." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na makipangalunya ka sa ginang ng kapit-bahay mo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang si Mu`ādh ay angkas niya sa sasakyang hayop, ay nagsabi: "O Mu`ādh na anak ni Jabal!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo." Nagsabi siya: "O Mu`ādh!" Nagsabi ito: "Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, at bilang pagpapaligaya sa iyo" nang makatatlo. Nagsabi siya: "Walang isa mang sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo Niya nang tapat sa puso niya malibang nagbawal sa kanya si Allāh sa Impiyerno." Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi po ba ako magpapabatid hinggil dito sa mga tao para magalak sila?" Nagsabi siya: "Samakatuwid, sasalig sila." Nagpabatid hinggil dito si Mu`ādh sa sandali ng pagkamatay niya bilang pag-iwas sa kasalanan.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Pumasok sa kinaroroonan ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong nagtabing ako ng isang estante ko na may isang kurtinang may mga imahen. Kaya noong nakita niya ito, pinunit niya ito. Nag-ibang-kulay ang mukha niya at nagsabi siya: "O `Ā'ishah, ang pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa sa ganang kay Allāh sa Araw ng Pagbangon ay ang mga nagtutulad sa nilikha ni Allāh." Nagsabi si `Ā'ishah: "Kaya pinutol namin ito saka gumawa kami mula rito ng isang unan o dalawang unan."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dasal sa madaling-araw sa Ḥudaybīyah sa pagkalipas ng isang ulan na nangyari sa gabi, saka noong nakatapos siya ay humarap siya sa mga tao saka nagsabi: "Nakaaalam ba kayo kung ano ang sinabi ng Panginoon ninyo?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Nagsabi [si Allāh]: "Kinaumagahan, mayroon sa mga lingkod Ko na mananampalataya sa Akin at tagatangging-sumampalataya. Hinggil sa sinumang nagsabi na inulan kami dahil sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya, iyon ay mananampalataya sa Akin at tagatangging-sumampalataya sa tala; at hinggil naman sa sinumang nagsabi na [inulan kami] dahil sa bituing ganito at gayon, iyon ay tagatangging-sumampalataya sa Akin at mananampalataya sa tala."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.