عربي - Arabic English Qafár af - Afar Afrikaans - Afrikanns Akan Shqip - Albanian አማርኛ - Amharic Հայերեն - Armenian অসমীয়া - Assamese Azərbaycanca - Azerbaijani Bamanankan - Bambara Bassa Bemba বাংলা - Bengali Bosanski - Bosnian Български - Bulgarian မြန်မာဘာသာ - Burmese Bisaya - Cebuano Cham Нохчий - Chechen chiCheŵa - Chewa 中文 - Chinese Адыгэбзэ - Circassian Hrvatski - Croatian Česky - Czech Dagbani Dansk - Danish فارسی دری - Dari Dendi ދިވެހި ބަސް - Dhivehi Nederlands - Dutch إستوني - Estonian Suomi - Finnish Français - French Fulfulde - Fula ქართული - Georgian Deutsch - German Ελληνικά - Greek ગુજરાતી - Gujrati Kreyòl ayisyen - Haitian Creole Hausa हिन्दी - Hindi Magyar - Hungarian Igbo Indonesia - Indonesian Italiano - Italian 日本語 - Japanese Jóola - Jola ಕನ್ನಡ - Kannada Қазақша - Kazakh ភាសាខ្មែរ - Khmer Kikuyu Ikinyarwanda - Kinyarwanda Ikirundi - Kirundi 한국어 - Korean كوردی سۆرانی - kurdish كوردي kurmancî - Kurmanji Kyrgyz ລາວ - Lao latviešu - Latvian Lingala lietuvių - Lithuanian Luganda Македонски - Macedonian Maguindanaon Malagasy - Malagasy Bahasa Melayu - Malay മലയാളം - Malayalam Mandinka मराठी - Marathi Mõõré - Moore नेपाली - Nepali أنكو - NKo Norwegian ଓଡ଼ିଆ - Odia oromoo - Oromo پښتو - Pashto فارسی - Persian Polski - Polish Portuguese ਪੰਜਾਬੀ - Punjabi Română - Romanian Русский - Russian Српски - Serbian Shona සිංහල - Sinhala Slovenščina - Slovenian Soomaaliga - Somali Soninke Sesotho - Sotho Español - Spanish Kiswahili - Swahili Svenska - Swedish Tagalog Тоҷикӣ - Tajik தமிழ் - Tamil తెలుగు - Telugu ไทย - Thai ትግረኛ - Tigrinya Türkçe - Turkish Ukrainian اردو - Urdu ئۇيغۇرچە - Uyghur Ўзбек - Uzbek Việt Nam - Vietnamese Wolof Yao Yorùbá - Yoruba Zarma زولو - Zulu
673 Mga Hadith
Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta
Mga Kategorya
Antas ng hadith
Isinalaysay sa
Tagapagsalaysay
Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (18)
'Ilalapit ang mananampalataya sa Araw ng Pagbangon sa Panginoon nito (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) hanggang sa maglagay Siya rito ng saklob Niya saka magpapaamin Siya rito ng mga pagkakasala nito saka magsasabi Siya: Nakaaalam ka kaya?' Kaya magsasabi ito: 'Oo, Panginoon ko, nakaaalam ako.' Magsasabi Siya: 'Sapagkat tunay na Ako ay nagtakip niyon sa iyo sa Mundo at tunay na Ako ay magpapatawad niyon sa iyo sa araw na ito.' Kaya ibibigay rito ang talaan ng mga magandang gawa nito. Hinggil naman sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, mananawagan sa kanila sa mga harap ng mga nilikha: Ang mga ito ang mga nagsinungaling laban kay Allāh."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa magandang gawa sa isang mananampalataya. Bibigyan siya dahil doon sa Mundo at gagantihan siya dahil doon sa Kabilang-buhay. Hinggil naman sa tagatangging-sumampalataya, pinatitikim siya ng mga maganda ng ginawa niya para kay Allāh sa Mundo, na hanggang sa kapag humantong siya sa Kabilang-buhay ay hindi na siya magkakaroon ng isang magandang gawa na gagantihan siya dahil dito."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang apoy ninyo ay isang bahagi mula sa pitumpung bahagi ng apoy ng Impiyerno." Sinabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ito ay naging talagang nakasasapat." Nagsabi siya: "Pinalamang iyon higit sa mga iyan ng animanpu't siyam na bahagi, na ang bawat isa sa mga iyan ay tulad ng init nito."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{May isang lalaking nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Huling Sandali sapagkat nagsabi ito: "Kailan po ang Huling Sandali?" Nagsabi siya: "At ano ang inihanda mo para rito?" Nagsabi ito: "Walang anuman maliban na ako ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsabi naman siya: "Ikaw ay kasama ng sinumang inibig mo."} Nagsabi si Anas: {Kaya hindi kami natuwa sa anuman gaya ng pagkatuwa namin sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ikaw ay kasama ng sinumang inibig mo."} Nagsabi si Anas: {Ako ay umiibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kina Abū Bakr at `Umar at umaasa ako na ako ay maging kasama sa kanila dahil sa pag-ibig ko sa kanila, kahit hindi ako nakagawa ng tulad sa mga gawa nila.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Tunay na kabilang sa mga tanda ng Huling Sandali na mapawi ang kaalaman, dumami ang pagkamangmang, dumami ang pangangalunya, dumami ang pag-inom ng alak, mangaunti ang mga lalaki, at dumami ang mga babae hanggang sa maging para sa limampung babae ang nag-iisang lalaking tagapagtaguyod."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Walang Diyos kundi si Allāh. Kapighatian ay ukol sa mga Arabe mula sa isang kasamaan na nalapit na! Binuksan ngayong araw mula sa saplad ng Gog at Magog ang tulad nito." Nagpabilog siya ng daliri niya sa hinlalaki niya, na kasunod nito."} Nagsabi si Zaynab bint Jaḥsh: {Kaya nagsabi ako, O Sugo ni Allāh, masasawi po ba tayo samantalang nasa atin ang mga maayos na tao? Nagsabi siya: "Oo, kapag dumami ang karumalan."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – at siya ang nagtototoo at ang pinatotohanan: "Tunay na ang paglikha sa [bawat] isa sa inyo ay tinitipon sa tiyan ng ina niya nang apatnapung araw at apatnapung gabi. Pagkatapos siya ay magiging isang malalinta [sa yugtong] tulad niyon. Pagkatapos siya ay magiging isang kimpal na laman [sa yugtong] tulad niyon. Pagkatapos ipadadala sa kanya ang anghel saka papayagan ito ng apat na pangungusap [ng pagtatakda], kaya magsusulat ito ng panustos sa kanya, taning niya, gawain niya, at pagiging miserable o maligaya. Pagkatapos iihip ito sa kanya ng espiritu. Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay talagang gagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso hanggang sa walang maging nasa pagitan nito at niya kundi isang siko, ngunit makauuna naman sa kanya ang nakasulat, kaya gagawa siya ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno, kaya papasok siya sa Impiyerno. Tunay na ang [bawat] isa sa inyo ay talagang gagawa ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Impiyerno hanggang sa walang maging nasa pagitan nito at niya kundi isang siko, ngunit makauuna sa kanya ang nakasulat, kaya gagawa siya ayon sa gawain ng mga maninirahan sa Paraiso kaya papasok siya roon."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ako ay ang pinuno ng mga tao sa Araw ng Pagbangon. Nakaaalam kaya kayo mula saan iyon? Magtitipon si Allāh sa mga taong una at huli sa iisang lupa, na magpaparinig sa kanila ang tagatawag at manunuot sa kanila ang paningin. Lalapit sa kanila ang araw saka aabot sa mga tao mula sa dalamhati at pighati ang hindi nila makakakaya at hindi nila mababata saka magsasabi ang mga tao: "Hindi ba kayo nakakikita ng umabot sa inyo? Hindi ba kayo titingin sa mamamagitan para sa inyo sa Panginoon ninyo?" Kaya magsasabi ang ilan sa mga tao: "Magsadya kayo kay Adan." Kaya pupunta sila kay Adan (sumakanya ang pangangalaga) saka magsasabi sa kanya: "Ikaw ang ama ng tao. Lumikha sa iyo si Allāh sa pamamagitan ng kamay Niya, umiihip Siya sa iyo mula sa espiritu Niya, at nag-utos Siya sa mga anghel [na magpatirapa] saka nagpatirapa naman sila. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Hindi ka ba nakakikita sa umabot nga sa amin?" Kaya magsasabi si Adan: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na Siya ay sumaway sa akin laban sa punong-kahoy saka sumuway naman ako sa Kanya. Ang sarili ko, ang sarili ko, ang sarili ko! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Noe." Kaya pupunta sila kay Noe saka magsasabi sila: "O Noe, tunay na ikaw ay kauna-unahan sa mga sugo sa mga naninirahan sa lupa. Tumawag nga sa iyo si Allāh bilang lingkod na mapagpasalamat. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na nagkaroon ako ng isang panalanging ipinalangin ko laban sa mga kababayan ko. Ang sarili ko, ang sarili ko, ang sarili ko! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Abraham." Kaya pupunta sila kay Abraham saka magsasabi sila: "O Abraham, ikaw ay propeta ni Allāh at matalik na kaibigan Niya mula sa mga naninirahan sa lupa. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na ako noon nga ay nagsinungaling ng tatlong pagsisinungaling. Ang sarili ko, ang sarili ko, ang sarili ko! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Moises." Kaya pupunta sila kay Moises saka magsasabi sila: "O Moises, ikaw ay sugo ni Allāh. Nagtangi sa iyo si Allāh sa mensahe Niya at salita Niya higit sa mga tao. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi siya: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Tunay na ako noon nga ay pumatay ng isang taong hindi ako inutusan ng pagpatay niyon. Ang sarili ko, ang sarili ko, ang sarili ko! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Jesus na Anak ni Maria." Kaya pupunta sila kay Jesus saka magsasabi sila: "O Jesus, ikaw ay sugo ni Allāh at salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu na mula sa Kanya. Nakipag-usap ka sa mga tao habang nasa lampin na isang paslit. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya magsasabi si Jesus: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito kailanman at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito." Hindi siya bumanggit ng isang pagkakasala. "Ang sarili ko, ang sarili ko, ang sarili ko! Pumunta kayo sa iba sa akin. Pumunta kayo kay Muḥammad." Kaya pupunta sila kay Muḥammad saka magsasabi sila: "O Muḥammad, ikaw ay Sugo ni Allāh at Pangwakas ng mga propeta. Nagpatawad nga si Allāh sa iyo ng nauna sa pagkakasala mo at nahuli. Mamagitan ka para sa amin sa Panginoon mo. Hindi ka ba nakakikita sa kung nasa ano kami? Kaya lilisan ako saka pupunta ako sa ilalim ng trono saka babagsak ako na nagpapatirapa sa harap ng Panginoon ko (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). "Tunay na ang Panginoon ko ay nagalit nga ngayong araw ng isang pagkagalit na hindi Siya nagalit bago nito ng tulad nito kailanman at hindi Siya magagalit matapos nito ng tulad nito. Pagkatapos magbubukas si Allāh sa akin mula sa mga papuri sa Kanya at kagandahan ng pagbubunyi sa Kanya ng isang bagay, na hindi Siya nagbukas nito sa isa bago ko. Pagkatapos sasabihin: 'O Muḥammad, mag-angat ka ng ulo mo. Humiling ka, maibibigay sa iyo. Mamagitan ka, pamamagitanin ka.' Kaya mag-aangat ako ng ulo ko saka magsasabi ako: 'Ang Kalipunan ko, O Panginoon ko; ang Kalipunan ko, O Panginoon ko; ang Kalipunan ko, O Panginoon ko.' Kaya sasabihin: 'O Muḥammad, magpasok ka mula sa Kalipunan mo ng mga walang pagtutuos sa kanila mula sa kanang pintuan mula sa mga pintuan ng Paraiso at sila ay mga katambal ng mga tao sa iba roon na mga pintuan.'" Pagkatapos nagsabi siya: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ang magkabilang pansara kabilang sa mga pansara ng Paraiso ay gaya ng sa pagitan ng Makkah at Ḥimyar" – o – "gaya ng sa pagitan ng Makkah at Buṣrā."
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.