Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

17 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Ang buong Kalipunan ko ay papasok sa Paraiso, maliban sa sinumang tumanggi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at sino po ang tatanggi?" Nagsabi siya: "Ang sinumang tumalima sa akin ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa akin ay tumanggi nga."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
{Pinababa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [ang kasi] noong siya ay apatnapung taong gulang, saka nanatili siya sa Makkah nang labintatlong taon. Pagkatapos ipinag-utos sa kanya ang paglikas kaya lumikas siya sa Madīnah, saka nanatili siya roon nang sampung taon. Pagkatapos pinapanaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Binigyan ako ng limang hindi binigyan ng mga ito ang isa man bago ko: iniadya ako sa pamamagitan ng pagkasindak [ng mga kaaway] sa layo ng paglalakbay ng isang buwan, ginawa para sa akin ang lupa bilang mapagpapatirapaan at bilang pandalisay kaya ang alinmang lalaki kabilang sa Kalipunan ko na inabutan ng ṣalāh ay magdasal siya, ipinahintulot sa akin ang mga samsam samantalang hindi ito ipinahintulot sa isa man bago ko, binigyan ako ng Pamamagitan, at ang propeta ay ipinapadala sa kalipunan niya sa partikular samantalang ipinadala ako sa mga tao sa kalahatan."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, walang nakaririnig hinggil sa akin na isa mula sa kalipunang ito na isang Hudyo ni isang Kristiyano, pagkatapos namatay iyon habang hindi sumampalataya sa ipinasugo sa akin, malibang iyon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
"Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang mapalalapit nga na bumaba sa inyo ang Anak ni Maria bilang tagahatol na nagpapakamakatarungan para bumasag ng krus, pumatay ng baboy, mag-alis ng jizyah, at mag-umapaw ang yaman hanggang sa walang tumanggap nito na isa man."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinaway ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gawin ninyo mula rito ang makakaya ninyo sapagkat napahamak lamang ang mga bago pa ninyo dahil sa dami ng mga pagtatanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
"Walang kabilang sa mga propeta na isang propeta malibang binigyan ng tulad nito, na natiwasay sa kanya ang tao. Tanging ang ibinigay sa akin noon ay isang kasi na ikinasi ni Allāh sa akin. Kaya nag-aasam ako na ako ay maging pinakamarami sa kanila sa tagasunod sa Araw ng Pagbangon."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.