Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

17 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"May darating sa katapusan ng panahon na mga tao, na mga baguhan ang mga ngipin, na mga hunghang ang mga pag-iisip, na magsasabi ng anumang pinakamabuti sa sabi ng sangkinapal. Lalampas sila mula sa Islām kung paanong lumalampas ang palaso mula sa tinutudla. Hindi lalampas ang pananampalataya nila mula sa mga lalamunan nila. Kaya saanman kayo nakatagpo sa kanila, patayin ninyo sila sapagkat tunay na ang pagpatay sa kanila ay may pabuya para sa sinumang pumatay sa kanila sa Araw ng Pagbangon."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Hayaan ninyo ako sa anumang iniwan ko sa inyo. Nasawi lamang ang mga bago ninyo dahil sa pagtatanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila. Kaya kapag sumaway ako sa inyo laban sa isang bagay, iwasan ninyo ito; at kapag nag-utos ako sa inyo ng isang utos, gawin ninyo mula rito ang makakaya ninyo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Dito nilikha si Adan, dito ipinasok siya sa Paraiso, dito inilabas siya mula roon. Hindi sasapit ang Huling Sandali kundi sa araw ng Biyernes."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Ako noon ay nagsusulat ng bawat bagay na naririnig ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na ninanais kong isaulo, ngunit sumaway sa akin ang liping Quraysh. Nagsabi sila: "Nagsusulat ka ba ng bawat bagay na naririnig mo mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang taong nagsasalita sa [sandali ng] galit at lugod?" Kaya nagpigil ako sa pagsusulat saka bumanggit ako niyon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagpahiwatig siya ng daliri niya sa bibig niya saka nagsabi: "Sumulat ka sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, walang lumalabas mula rito kundi totoo."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nag-utos siya sa kanila, ay nag-uutos sa kanila ng mga gawaing ayon sa nakakaya nila. Nagsabi sila: "Tunay na kami ay hindi gaya ng lagay mo, O Sugo ni Allāh. Tunay na si Allāh ay nagpatawad na sa iyo ng anumang nauna sa pagkakasala mo at anumang nahuli." Kaya nagagalit siya hanggang sa makilala ang galit sa mukha niya. Pagkatapos nagsasabi siya: "Tunay na ang pinakamapangilag magkasala sa inyo at ang pinakamaalam sa inyo kay Allāh ay ako."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
{Humayo ako sa delegasyon ng liping `Āmir patungo sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi kami: "Ikaw ay pinapanginoon namin." Kaya nagsabi siya: "Ang Pinapanginoon ay si Allāh." Nagsabi kami: "At ang pinakamainam sa amin sa kainaman at ang pinakadakila sa amin sa kagalantehan." Kaya nagsabi siya: "Magsabi kayo ng hinggil sa sabi ninyo o bahagi ng sabi ninyo at huwag nga gagamit sa inyo ang demonyo."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Aḥmad.
"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Pansinin, nalalapit na may isang lalaking aabot sa kanya ang ḥadīth tungkol sa akin habang siya ay nakasandal sa sopa niya saka magsasabi siya: 'Sa pagitan namin at ninyo ay Aklat ni Allāh, kaya ang anumang natagpuan namin dito bilang ipinahihintulot ay magsasapahintulot kami at ang anumang natagpuan dito bilang ipinagbabawal ay magsasabawal kami nito.' Tunay na ang anumang ipinagbawal ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gaya ng ipinagbawal ni Allāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Ibnu Mājah.