عربي - Arabic English Qafár af - Afar Afrikaans - Afrikanns Akan Shqip - Albanian አማርኛ - Amharic Հայերեն - Armenian অসমীয়া - Assamese Azərbaycanca - Azerbaijani Bamanankan - Bambara Bassa Bemba বাংলা - Bengali Bosanski - Bosnian Български - Bulgarian မြန်မာဘာသာ - Burmese Bisaya - Cebuano Cham Нохчий - Chechen chiCheŵa - Chewa 中文 - Chinese Адыгэбзэ - Circassian Hrvatski - Croatian Česky - Czech Dagbani Dansk - Danish فارسی دری - Dari Dendi ދިވެހި ބަސް - Dhivehi Nederlands - Dutch إستوني - Estonian Suomi - Finnish Français - French Fulfulde - Fula ქართული - Georgian Deutsch - German Ελληνικά - Greek ગુજરાતી - Gujrati Kreyòl ayisyen - Haitian Creole Hausa हिन्दी - Hindi Magyar - Hungarian Igbo Indonesia - Indonesian Italiano - Italian 日本語 - Japanese Jóola - Jola ಕನ್ನಡ - Kannada Қазақша - Kazakh ភាសាខ្មែរ - Khmer Kikuyu Ikinyarwanda - Kinyarwanda Ikirundi - Kirundi 한국어 - Korean كوردی سۆرانی - kurdish كوردي kurmancî - Kurmanji Kyrgyz ລາວ - Lao latviešu - Latvian Lingala lietuvių - Lithuanian Luganda Македонски - Macedonian Maguindanaon Malagasy - Malagasy Bahasa Melayu - Malay മലയാളം - Malayalam Mandinka मराठी - Marathi Mõõré - Moore नेपाली - Nepali أنكو - NKo Norwegian ଓଡ଼ିଆ - Odia oromoo - Oromo پښتو - Pashto فارسی - Persian Polski - Polish Portuguese ਪੰਜਾਬੀ - Punjabi Română - Romanian Русский - Russian Српски - Serbian Shona සිංහල - Sinhala Slovenščina - Slovenian Soomaaliga - Somali Soninke Sesotho - Sotho Español - Spanish Kiswahili - Swahili Svenska - Swedish Tagalog Тоҷикӣ - Tajik தமிழ் - Tamil తెలుగు - Telugu ไทย - Thai ትግረኛ - Tigrinya Türkçe - Turkish Ukrainian اردو - Urdu ئۇيغۇرچە - Uyghur Ўзбек - Uzbek Việt Nam - Vietnamese Wolof Yao Yorùbá - Yoruba Zarma زولو - Zulu
673 Mga Hadith
Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta
Mga Kategorya
Antas ng hadith
Isinalaysay sa
Tagapagsalaysay
Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (24)
"Ang Relihiyon ay ang pagpapayo." Nagsabi kami: "Alang-alang kanino po?" Nagsabi siya: "Alang-alang kay Allāh, alang-alang sa Aklat Niya, alang-alang sa Sugo Niya, at alang-alang sa mga pinuno ng mga Muslim at madla nila."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Walang anumang tao na pinamamahala ni Allāh sa nasasakupan, na mamamatay sa araw na mamamatay siya habang siya ay nandaraya sa pinamamahalaan niya malibang magbabawal si Allāh sa kanya ng Paraiso."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Noong dumating kay Abū Ṭālib ang pagpanaw, pumunta sa kanya ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka natagpuan niya sa piling nito sina Abū Jahl at `Abdullāh bin Abī Umayyah bin Al-Mughīrah saka nagsabi siya: "O tiyuhin ko, magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, isang pangungusap na makikipagkatwiran ako para sa iyo sa pamamagitan nito sa harap ni Allāh." Kaya nagsabi si Abū Jahl at `Abdullāh bin Abī Umayyah: "Umaayaw ka ba sa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib?" Kaya hindi natigil ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nag-aalok nito roon at umuulit naman doon ang dalawa ng nasabi hanggang sa nagsabi si Abū Ṭālib ng kahuli-hulihan sa sinalita niya sa kanila: "Nasa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib ako." Tumanggi iyon na magsabi na walang Diyos kundi si Allāh. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man kay Allāh, talagang hihingi nga ako ng tawad para sa iyo hanggang hindi ako sinasaway laban sa iyo." Kaya nagpababa si Allāh: {Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal,} (Qur'ān 9:113) Nagpababa naman si Allāh kaugnay kay Abū Ṭālib sapagkat sinabi sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.} (Qur'ān 28:56)}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang bawat kasukasuan ng mga tao ay kailangan dito [ang magbigay] ng isang kawanggawa sa bawat araw na sumisikat dito ang araw. Ang magpakamakatarungan ka sa pagitan ng dalawang [tao] ay isang kawanggawa. Ang tumulong ka sa tao sa sasakyang hayop niya saka magbubuhat ka sa kanya sa ibabaw nito o mag-aangat ka para sa kanya sa ibabaw nito ng dala-dalahan niya ay isang kawanggawa. Ang salitang kaaya-aya ay isang kawanggawa. Ang bawat hakbang na nilalakad mo patungo sa pagdarasal ay isang kawanggawa. Ang mag-alis ka ng perhuwisyo palayo sa daan ay isang kawanggawa."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtalumpati sa mga tao sa araw ng pagsakop sa Makkah sapagkat nagsabi siya: "O mga tao, tunay na si Allāh ay nag-alis nga sa inyo ng kapalaluan ng Kamangmangan at pagsasadakila nito sa mga ninuno nito. Ang mga tao ay dalawang tao: isang mabuting-loob na mapangilagin magkasala na marangal kay Allāh at isang masamang-loob na malumbay na hamak kay Allāh. Ang mga tao ay mga anak ni Adan. Lumikha si Allāh kay Adan mula sa alabok. Nagsabi si Allāh: {O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.} (Qur'ān 49:13)"}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu Ḥibbān.
{Nagpadala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pulutong saka nagtalaga siya ng isang lalaking kabilang sa Ansar at nag-utos sa kanila na tumalima sila rito. Nagalit ito saka nagsabi: "Hindi ba nag-utos sa inyo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumunod kayo sa akin?" Nagsabi sila: "Oo." Nagsabi ito: "Kaya magtipon kayo para sa akin ng kahoy na panggatong." Kaya nagtipon sila nito saka nagsabi siya: "Magpaningas kayo ng apoy." Kaya nagpaningas naman sila nito saka nagsabi siya: "Pumasok kayo riyan." Kaya nagbalak sila at nagsimula naman ang ilan sa pagpigil sa iba. Nagsasabi sila: "Tumakas kami papunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa apoy." Hindi sila natigil sa gayon hanggang sa namatay ang apoy saka humupa ang galit nito. Umabot naman iyon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: "Kung sakaling pumasok sila roon, hindi sana sila nakalabas mula roon hanggang sa Araw ng Pagbangon. Ang pagsunod ay sa nakabubuti."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang paghahalintulad sa tumatayo sa mga hangganan ni Allāh at bumabagsak sa mga ito ay katulad ng mga taong nagpalabunutan sa pagsakay sa isang daong kaya nakabunot ang ilan sa kanila ng mataas nito at ang iba sa kanila naman ng mababa nito. Ang mga nasa mababa nito, kapag sasalok ng tubig, ay nagdaraan sa mga nasa ibabaw ng mga ito saka nagsasabi: "Kung sakaling kami ay bumutas sa bahagi namin ng isang butas at hindi na makaperhuwisyo sa mga nasa itaas namin..." Kung hinayaan nila ang mga ito at ang ninais ng mga ito, mapahahamak silang lahat; at kung pumigil sila sa mga kamay ng mga ito, maliligtas sila at maliligtas ang mga ito nang lahatan.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
"Magpaabot kayo tungkol sa akin kahit pa isang talata [ng Qur'ān]. Magsanaysay kayo tungkol sa mga anak ni Israel at walang pagkaasiwa. Ang sinumang nagsinungaling laban sa akin nang nananadya, lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.