Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

100 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

{Minsan ako ay angkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang asno na tinatawag na `Ufayr saka nagsabi siya: "O Mu`ādh, nakaaalam ka ba sa karapatan ni Allāh sa mga lingkod Niya at kung ano ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh?" Nagsabi ako: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maaalam." Nagsabi siya: "Tunay na ang karapatan ni Allāh sa mga lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman at ang karapatan ng mga lingkod kay Allāh ay na hindi Siya magparusa sa sinumang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi ba ako magbabalita nito sa mga tao?" Nagsabi siya: "Huwag kang magbalita sa kanila para hindi sila sumalig."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumunta sa kinaroroonan ng isang umpukan ng mga Kasamahan saka nagsabi: 'Ano ang nagpaupo sa inyo?' Nagsabi sila: 'Umupo kami na nag-aalaala kay Allāh at nagpupuri sa Kanya dahil nagpatnubay Siya sa amin sa Islām at nagmagandang-loob Siya nito sa amin.' Nagsabi siya: 'Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa inyo kundi iyan?' Nagsabi sila: 'Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa amin kundi iyan.' Nagsabi siya: 'Pansinin, tunay na ako ay hindi nagpasumpa sa inyo dala ng paghihinala sa inyo. Subalit pumunta sa akin si Anghel Gabriel saka nagpabatid sa akin na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagmamapuri sa inyo sa mga anghel.'"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang pinakamainam na salaping ginugugol ng lalaki ay salaping ginugugol niya sa mag-anak niya, salaping ginugugol ng lalaki sa sasakyang hayop niya sa landas ni Allāh, at salaping ginugugol niya sa mga kasamahan niya sa landas ni Allāh." Nagsabi si Abū Qilābah: "Nagsimula siya sa mag-anak." Pagkatapos nagsabi pa si Abū Qilābah: "Aling lalaki ang higit na mabigat sa pabuya kaysa sa isang lalaking gumugugol sa mag-anak na mga bata, na pumipigil sa kanila [sa panghihingi], o nagpapakinabang sa kanila si Allāh sa pamamagitan nito at nagpapayaman Siya sa kanila."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na ang mga nagpapakamakatarungan ay sa piling ni Allāh sa mga pulpito ng liwanag sa dakong kanan ng Pinakamaawain (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – at ang kapwa mga kamay niya ay kanan. [Sila] ang mga nagmamakatarungan sa hatol nila, mga mag-anak nila, at tinangkilik nila."
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay hindi natutulog at hindi nararapat para sa Kanya na matulog. Nagbababa Siya ng timbangan at nag-aangat Siya nito. Inaangat sa Kanya ang ginawa sa gabi bago ng ginawa sa maghapon at ang ginawa sa maghapon bago ng ginawa sa gabi. Ang tabing Niya ay ang liwanag." – sa isang salaysay: "ang apoy" – "Kung sakaling humawi Siya nito, talagang sumunog sana ang mga kaluwalhatian ng mukha Niya sa anumang pinagwakasan ng paningin Niya mula sa nilikha Niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{May isang lalaki na nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling gawain sa Islām ang pinakamabuti. Nagsabi siya: "Magbigay ka ng pagkain at bumigkas ng pagbati sa sinumang nakilala mo at sa sinumang hindi mo nakilala."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{May isang lalaki na nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon akong kamag-anakan na nakikipag-ugnayan ako sa kanila at pumuputol naman sila ng ugnayan sa akin, gumagawa ako ng maganda sa kanila at gumagawa naman sila ng masagwa sa akin, at nagtitimpi ako sa kanila at nagmamaltrato naman sila sa akin." Kaya nagsabi siya: "Talagang kung ikaw ay gaya ng sinabi mo, para bang nagpalamon ka sa kanila ng mainit na abo. Hindi matitigil na may kasama kang mapagtaguyod mula kay Allāh laban sa kanila hanggat ikaw ay nasa gayon."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na si Allāh ay talagang nalulugod sa tao na kumain ito ng pagkain para magpuri sa Kanya dahil doon o uminom ito ng inumin para magpuri sa Kanya dahil doon."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.