Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

100 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Tunay na ang kabanayaran ay hindi nagiging nasa isang bagay malibang gumagayak ito roon at hindi naaalis ito mula sa isang bagay malibang nagpapapangit ito roon."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Ako noon ay isang batang lalaking nasa pangangalaga ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Minsan, ang kamay ko ay naglilikot sa plato, kaya nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O bata, sumambit ka ng ngalan ni Allāh, kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo, at kumain ka mula sa nalalapit sa iyo." Kaya hindi natigil iyon bilang [paraan ng] pagkain ko matapos niyon.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{"Ang karapatan ng Muslim sa kapwa Muslim ay anim." Sinabi: "Ano po ang mga ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Kapag nakitagpo ka sa kanya, bumati ka sa kanya; kapag nag-anyaya siya sa iyo, tumugon ka sa kanya; kapag humingi siya ng payo sa iyo, magpayo ka sa kanya; kapag bumahin siya saka nagpuri siya kay Allāh, magsabi ka sa kanya ng tasmīt; kapag nagkasakit siya, dumalaw ka sa kanya; at kapag namatay siya, makipaglibing ka sa kanya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang sinumang nagsanaysay tungkol sa akin sa isang ḥadīth, na nakikita na ito ay isang kasinungalingan, siya ay isa sa mga sinungaling."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa Muqaddimah Niya.
"Tunay na si Allāh ay nag-obliga ng pagpapahusay sa bawat bagay. Kaya kapag pumatay kayo ay magpahusay kayo sa paraan ng pagpatay at kapag kumatay kayo ay magpahusay kayo sa paraan ng pagkatay. Humasa ang isa sa inyo ng patalim niya at magpaginhawa siya sa kakatayin niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Hindi ba ako gagabay sa inyo sa anumang pumapawi si Allāh sa pamamagitan nito sa mga kamalian at nagtataas Siya sa pamamagitan nito ng mga antas?" Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagpapalubus-lubos sa pagsasagawa ng wuḍū' sa kabila ng mga kalagayang kinasusuklaman, ang dami ng paghakbang patungo sa mga masjid, at ang paghihintay sa ṣalāh matapos ng ṣalāh sapagkat iyon ang pagbabantay [para kay Allāh]."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na kabilang sa mga tanda ng Huling Sandali na mapawi ang kaalaman, dumami ang pagkamangmang, dumami ang pangangalunya, dumami ang pag-inom ng alak, mangaunti ang mga lalaki, at dumami ang mga babae hanggang sa maging para sa limampung babae ang nag-iisang lalaking tagapagtaguyod."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagbawal sa qaza`."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.