Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

28 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Ang sinumang nagpawi buhat sa isang mananampalataya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Mundo, magpapawi si Allāh buhat sa kanya ng isang pighati mula sa mga pighati sa Araw ng Pagbangon. Ang sinumang nagpaginhawa sa isang nagigipit, magpapaginhawa si Allāh sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, magtatakip sa kanya si Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allāh ay nasa pagtulong sa tao hanggat ang tao ay naging nasa pagtulong sa kapwa niya. Ang sinumang tumahak sa isang daan habang naghahanap dahil doon ng isang kaalaman, magpapadali si Allāh para sa kanya dahil doon sa isang daan patungo sa Paraiso. Walang nagtitipong mga tao sa isang bahay kabilang sa mga bahay ni Allāh, na bumibigkas ng Aklat ni Allāh at nag-aaralan nito sa gitna nila, malibang bababa sa kanila ang kapanatagan, babalot sa kanila ang awa, magpapaligid sa kanila ang mga anghel, at babanggit sa kanila si Allāh sa sinumang nasa piling Niya. Ang sinumang nagpabagal sa kanya ang gawa niya, hindi magpapabilis sa kanya ang kaangkanan niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang matipuno ay hindi sa pagbuno; tanging ang matipuno ay ang nagpipigil ng sarili niya sa sandali ng pagkagalit."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang nagsabi ng Subḥāna llāhi wa-biḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya) nang isandaang ulit sa isang araw, aalisin sa kanya ang mga kamalian niya kahit pa ang mga ito ay tulad [ng dami] ng mga bula ng dagat."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Hindi ipinahihintulot para sa isang babaing Muslim na maglakbay ng isang distansiya ng isang gabi [na paglalakbay] malibang kapag may kasama sa kanya na isang lalaking may pagkamaḥram sa kanya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang panunumpa ay isang pinaggugulan ng paninda at isang pinagpupuksaan ng tubo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Na may isang Arabeng disyerto na pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, gabayan mo ako sa isang gawaing kapag ginawa ko ay papasok ako sa Paraiso." Nagsabi siya: "Sasamba ka kay Allāh nang hindi ka nagtatambal sa Kanya ng anuman, magpapanatili ka ng pagdarasal, magbibigay ka ng zakāh na isinatungkulin, at mag-aayuno ka sa Ramaḍān." Nagsabi ito: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi ako magdaragdag ng higit diyan." Kaya noong tumalikod ito, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pinagalak na tumingin sa isang lalaking kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso, tumingin siya diyan."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Huwag kayong magpasimula sa mga Hudyo at mga Kristiyano ng pagbati; kaya kapag nakatagpo kayo ng isa sa kanila sa daan, mamilit kayo sa kanya tungo sa pinakamasikip nito."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Babati ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.