Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

18 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

{Nakasaksi ako kay `Amr bin Abī Ḥasan na nagtanong kay Abdullāh bin Zayd tungkol sa wuḍū' ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagpakuha siya ng isang batya ng tubig saka nagsagawa siya ng wuḍū' sa harap nila gaya ng wuḍū' ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagbuhos siya sa kamay niya mula sa batya saka naghugas ng mga kamay niya nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpasok siya ng kamay niya sa batya saka nagmumog, suminghot ng tubig, at nagsinga – sa tigtatlong salok. Pagkatapos nagpasok siya ng kamay niya [sa batya] saka naghugas ng mukha niya nang tatlong ulit. Pagkatapos naghugas siya ng mga kamay niya nang dalawang ulit hanggang sa mga siko. Pagkatapos nagpasok siya ng kamay niya [sa batya] saka nagpahid siya sa ulo niya ng mga ito paharap at palikod nang iisang ulit. Pagkatapos naghugas siya ng mga paa niya hanggang bukungbukong.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Walang anumang Muslim na nagsasagawa ng wuḍū' – saka nagpapagaling ng wuḍū' niya, pagkatapos tumatayo saka nagdarasal ng dalawang rak`ah, habang nakatuon sa dalawang ito sa pamamagitan ng puso niya at mukha niya – malibang magigindapat para sa kanya ang Paraiso." Nagsabi ako: "Anong galing nito!" Saka biglang may nagsasalita sa harapan niya, na nagsasabi: "Ang bago nito ay higit na magaling." Kaya tumingin ako saka biglang si `Umar ay nagsabi: "Tunay na ako ay nakakita nga sa iyo na dumating kanina." Nagsabi siya: "Walang kabilang sa inyo na isa mang nagsasagawa ng wuḍū' saka nagpaparubdob – o naglulubus-lubos – ng wuḍū', pagkatapos nagsasabi: Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu wa-anna muḥammadan `abdu –llāhi wa-rasūluh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Lingkod ni Allāh at Sugo Niya), malibang bubuksan para sa kanya ang walong pinto ng Paraiso, na papasok siya mula sa alinman sa mga ito na loloobin niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.