Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

2 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

{Nagpadala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pulutong saka nagtalaga siya ng isang lalaking kabilang sa Ansar at nag-utos sa kanila na tumalima sila rito. Nagalit ito saka nagsabi: "Hindi ba nag-utos sa inyo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumunod kayo sa akin?" Nagsabi sila: "Oo." Nagsabi ito: "Kaya magtipon kayo para sa akin ng kahoy na panggatong." Kaya nagtipon sila nito saka nagsabi siya: "Magpaningas kayo ng apoy." Kaya nagpaningas naman sila nito saka nagsabi siya: "Pumasok kayo riyan." Kaya nagbalak sila at nagsimula naman ang ilan sa pagpigil sa iba. Nagsasabi sila: "Tumakas kami papunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa apoy." Hindi sila natigil sa gayon hanggang sa namatay ang apoy saka humupa ang galit nito. Umabot naman iyon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: "Kung sakaling pumasok sila roon, hindi sana sila nakalabas mula roon hanggang sa Araw ng Pagbangon. Ang pagsunod ay sa nakabubuti."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Talagang ibibigay ko nga ang watawat na ito bukas sa isang lalaking mananaig si Allāh sa pamamagitan ng mga kamay niya. Umiibig siya kay Allāh at sa Sugo Nito at umiibig sa kanya si Allāh at ang Sugo Nito." Kaya minagdamag ang mga tao na nag-iisip-isip sa gabi nila kung alin sa kanila ang bibigyan niyon. Noong inumaga ang mga tao, pumunta sila sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Ang bawat isa sa kanila ay umaasa na bigyan niyon. Nagsabi ito: "Nasaan si `Alīy bin Abī Ṭālib?" Sinabi: "Siya, O Sugo ni Allāh, ay naghihinaing ng mga mata niya." Nagsabi ito: "Magsugo kayo papunta sa kanya." Kaya dinala siya saka dumura ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga mata niya at dumalangin ito para sa kanya saka gumaling siya hanggang sa para bang hindi siya nagkaroon ng isang hapdi. Ibinigay nito sa kanya ang watawat. Kaya nagsabi si `Alīy: "O Sugo ni Allāh, makikipaglaban ako sa kanila hanggang sa sila ay maging tulad natin?" Kaya nagsabi ito: "Humayo ka ayon sa paghihinay-hinay mo hanggang sa makababa ka sa larangan nila. Pagkatapos mag-anyaya ka sa kanila tungo sa Islām at magpabatid ka sa kanila ng kinakailangan sa kanila mula sa karapatan ni Allāh dito; sapagkat sumpa man kay Allāh, ang magpatnubay si Allāh sa pamamagitan mo ng iisang tao ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa magkaroon ka ng mga pulang kamelyo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.