Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

130 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Tagapagsalaysay

Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (48)
{Ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagpadala sa kanya sa Yemen. Kaya nagtanong siya rito tungkol sa mga inuming ginagawa roon sapagkat nagsabi siya: "At ano po ang mga ito?" Nagsabi ito: "Ang bit` at ang mizr." Sinabi kay Abū Burdah: "Ano ang bit`?" Nagsabi siya: "Ang nabīdh ng pulut-pukyutan at ang mizr ay ang nabīdh ng sebada." Kaya nagsabi ito: "Ang bawat nakalalasing ay bawal."} Nagsadokumento nito si Imām Al-Bukhārīy.
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
"May darating sa katapusan ng panahon na mga tao, na mga baguhan ang mga ngipin, na mga hunghang ang mga pag-iisip, na magsasabi ng anumang pinakamabuti sa sabi ng sangkinapal. Lalampas sila mula sa Islām kung paanong lumalampas ang palaso mula sa tinutudla. Hindi lalampas ang pananampalataya nila mula sa mga lalamunan nila. Kaya saanman kayo nakatagpo sa kanila, patayin ninyo sila sapagkat tunay na ang pagpatay sa kanila ay may pabuya para sa sinumang pumatay sa kanila sa Araw ng Pagbangon."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang dasal ng lalaki sa isang kongregasyon ay nakahihigit sa dasal niya sa bahay niya at sa dasal niya sa palengke niya nang higit sa dalawampu't higit pang antas. Iyon ay dahil sa ang isa sa kanila – kapag nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahusay siya sa pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos pumunta siya sa masjid, na walang nag-uudyok sa kanya kundi ang pagdarasal, na walang ninanais kundi ang pagdarasal – walang hahakbanging hakbang malibang mag-aangat para sa kanya dahil dito ng isang antas at mag-aalis sa kanya dahil dito ng isang kasalanan hanggang sa makapasok siya sa masjid. Kapag naman nakapasok siya sa masjid, siya ay nasa pagdarasal hanggat ang pagdarasal ay nagpapanatili sa kanya. Ang mga anghel ay dumadalangin ng basbas sa isa sa inyo hanggat siya ay nasa inuupuan niya na pinagdasalan niya, na nagsasabi: 'O Allāh, maawa Ka sa kanya; O Allāh, magpatawad Ka sa kanya; O Allāh, tumanggap Ka ng pagbabalik-loob sa kanya.' hanggat hindi siya namemerhuwisyo rito, hanggat hindi siya nasisiraan ng wuḍū' rito."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagsabi siya ng: "Sami`a -llāhu li-man ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)," ay walang nagbabaluktot na isa man sa amin ng likod niya hanggang sa lumapag ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nakapatirapa, pagkatapos lumalapag kami sa pagpapatirapa matapos niya.)
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Nagbubuhol ang demonyo sa batok ng ulo ng isa sa inyo, kapag ito ay natulog, ng tatlong buhol, na nagtatapik siya sa bawat buhol [at nagsasabi]: Sumaiyo ay isang gabing mahaba, kaya matulog ka. Kung nagising ito saka umalaala ito kay Allāh, may nakakalag na isang buhol; saka kung nagsagawa siya ng wuḍū’, may nakakalag na isang buhol; saka kung nagdasal siya, may nakakalag na isang buhol; saka uumagahin siyang masigla, na kaaya-aya ang kaluluwa; at kung hindi, uumagahin siyang karima-rimarim ang kaluluwa, na tamad."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagsagawa siya ng takbīr sa ṣalāh, ay nanahimik nang saglit bago siya bumigkas. Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sa pamamagitan ng ama ko at ina ko ikaw ay tubusin nawa, nakapansin ka po ba sa pananahimik mo sa pagitan ng takbīr at pagbigkas? Ano po ang sinasabi mo?" Nagsabi siya: "Nagsasabi ako ng: Allāhumma bā`id baynī wa-bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna -lmashriqi wa-lmaghribi. Allāhumma naqqinī mina -lkhaṭāyā kamā yunaqqa -ththawbu -l'abyaḍu mina -ddanas. Allāhumma -ghsilnī min khaṭāyāya bi-lmā'i wa-ththalji wa-lbarad. (O Allāh, magpalayo Ka sa pagitan ko at ng mga kamalian ko kung paanong nagpalayo Ka sa pagitan ng silangan at kanluran. O Allāh, magdalisay Ka sa akin mula sa mga kamalian kung paanong dinadalisay ang puting kasuutan mula sa karumihan. O Allāh, maghugas Ka sa akin mula sa mga kamalian ko ng tubig, niyebe, at yelo.)"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Na ang ina niya na Anak ni Rawāḥah ay humiling sa ama niya ng bahagi ng kaloob mula sa yaman niyon para sa anak nito ngunit nag-antala iyon niyan ng isang taon, pagkatapos lumitaw roon [na ibigay] kaya nagsabi naman ito: "Hindi ako nalulugod hanggang sa magpasaksi ka sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ipinagkaloob mo sa anak ko." [Nagsanaysay naman si An-Nu`mān]: Kaya humawak ang ama ko sa kamay ko noong ako sa araw na iyon ay isang bata saka pumunta siya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Tunay na ang ina nito na Anak ni Rawāḥah ay nasisiyahan na magpasaksi ako sa iyo sa pagkaloob ko sa anak niya." Kaya nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Bashīr, may anak ka ba bukod pa rito?" Nagsabi siya: "Opo." Kaya nagsabi ito: "Sa lahat sa kanila ba ay nagkaloob ka ng tulad dito?" Nagsabi siya: "Hindi po." Nagsabi ito: "Kaya huwag kang magpasaksi sa akin, samakatuwid, sapagkat tunay na ako ay hindi sumasaksi sa isang pang-aapi."} Batay kay Imām Muslim: {"Ngunit magpasaksi ka rito sa iba pa sa akin."}
Tumpak Napagkasunduan sa katumpakan nito at mayroon itong ilang pagkakasambit.