Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

6 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

{May isang lalaki noon na wala akong nalalamang isang lalaking higit na malayo sa masjid kaysa sa kanya. Siya noon ay hindi nakaliligta ng isang dasal. Sinabi: Kaya sinabi sa kanya o sinabi ko sa kanya: "Kung sakaling bumili ka ng isang asnong sasakyan mo iyon sa dilim [ng gabi] at sa init [ng maghapon]." Nagsabi siya: "Hindi nagpapagalak sa akin na ang tahanan ko ay nasa tabi ng masjid; tunay na ako ay nagnanais na itala para sa akin ang paglalakad ko papunta sa masjid at ang pagbabalik ko kapag bumalik ako sa mag-anak ko." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagtipon nga si Allāh para sa iyo niyon sa kabuuan niyon."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Kapag nagkasakit ang tao o naglakbay siya, magtatala para sa kanya ng tulad ng dating ginagawa niya habang nananatili at malusog."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
"Ang bawat kasukasuan mula sa mga tao ay may kailangan dito na isang kawanggawa sa bawat araw na sumisikat dito ang araw. Ang magmakatarungan sa pagitan ng dalawang [tao] ay isang kawanggawa. Ang tumulong sa tao sa sasakyang hayop niya saka bumuhat sa kanya sa ibabaw nito o mag-angat sa ibabaw nito ng dala-dalahan niya ay isang kawanggawa. Ang pangungusap na kaaya-aya ay isang kawanggawa. Ang bawat hakbang na inihahakbang papunta sa pagdarasal ay isang kawanggawa. Ang pag-alis ng perhuwisyo palayo sa daan ay isang kawanggawa."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang bawat kasukasuan ng mga tao ay kailangan dito [ang magbigay] ng isang kawanggawa sa bawat araw na sumisikat dito ang araw. Ang magpakamakatarungan ka sa pagitan ng dalawang [tao] ay isang kawanggawa. Ang tumulong ka sa tao sa sasakyang hayop niya saka magbubuhat ka sa kanya sa ibabaw nito o mag-aangat ka para sa kanya sa ibabaw nito ng dala-dalahan niya ay isang kawanggawa. Ang salitang kaaya-aya ay isang kawanggawa. Ang bawat hakbang na nilalakad mo patungo sa pagdarasal ay isang kawanggawa. Ang mag-alis ka ng perhuwisyo palayo sa daan ay isang kawanggawa."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtalumpati sa mga tao sa araw ng pagsakop sa Makkah sapagkat nagsabi siya: "O mga tao, tunay na si Allāh ay nag-alis nga sa inyo ng kapalaluan ng Kamangmangan at pagsasadakila nito sa mga ninuno nito. Ang mga tao ay dalawang tao: isang mabuting-loob na mapangilagin magkasala na marangal kay Allāh at isang masamang-loob na malumbay na hamak kay Allāh. Ang mga tao ay mga anak ni Adan. Lumikha si Allāh kay Adan mula sa alabok. Nagsabi si Allāh: {O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.} (Qur'ān 49:13)"}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu Ḥibbān.
"Ang Relihiyong Islām ay magaan. Hindi makikipagmatigasan sa Relihiyong Islām ang isa malibang mananaig ito sa kanya. Kaya magtama kayo, makipaglapit kayo, magalak kayo, at magpatulong kayo [kay Allāh] sa umaga, hapon, at isang bahagi ng gabi."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.