Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

18 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Ang sinumang maggagarantiya sa akin [na mag-ingat] ng nasa pagitan ng bigote at balbas niya at ng nasa pagitan ng mga hita niya, maggagarantiya ako sa kanya ng Paraiso."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
{May magdadala sa kamatayan gaya sa anyo ng isang puti't itim na lalaking tupa saka may mananawagang isang tagapanawagan: "O mga maninirahan sa Paraiso," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Pagkatapos mananawagan ito: "O mga maninirahan sa Impiyerno," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Saka kakatayin iyon, pagkatapos magsasabi ito: "O mga maninirahan sa Paraiso, pananatili [sa Paraiso] sapagkat wala nang kamatayan. O mga maninirahan sa Impiyerno, pananatili [sa Impiyerno] sapagkat wala nang kamatayan." Pagkatapos bumigkas siya: "Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat, ..." (Qur'ān 19:39) Ang mga ito, habang nasa isang pagkalingat, ay ang mga naninirahan sa Mundo: "sila ay hindi sumasampalataya." (Qur'ān 19:39)}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"May mananawagang isang tagapanawagan: Tunay na ukol sa inyo na lumusog kayo saka hindi kayo magkakaramdaman magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na mabuhay kayo saka hindi kayo mamatay magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na bumata kayo saka hindi kayo tumanda magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na guminhawa kayo saka hindi kayo magmiserable magpakailanman." Kaya iyon ang sabi Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Tatawagin sila: "Iyon ay ang Paraiso; ipinamana sa inyo iyon dahil sa dati ninyong ginagawa."} (Qur’ān 7:43)
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang sinumang nakipagtagpo kay Allāh habang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman ay papasok sa Paraiso at ang sinumang nakipagtagpo kay Allāh habang nagtatambal sa Kanya ng anuman ay papasok sa Impiyerno."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Kapag nakapasok sa Paraiso ang maninirahan sa Paraiso, magsasabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagnanais ba kayo ng isang bagay na idadagdag Ko sa inyo?" Kaya magsasabi sila: "Hindi ba nagpaputi Ka ng mga mukha namin? Hindi ba nagpapasok Ka sa amin sa Paraiso at nagligtas Ka sa amin mula sa Impiyerno?" Kaya maghahawi Siya ng tabing. Kaya naman hindi sila nabigyan ng anumang higit na kaibig-ibig sa kanila kaysa pagtingin sa Panginoon nila (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan." Tinanong siya tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Impiyerno, kaya naman nagsabi siya: "Ang bibig at ang ari."}
Magandang tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"May dalawang uri ng mga maninirahan sa Impiyerno, na hindi ko nakita: mga taong mayroong mga latigong gaya ng mga buntot ng mga baka, na ipinamamalo nila sa mga tao; at mga babaing nakadamit na nakahubad, na mga nagpapakiling, na mga kumikiling, na ang mga ulo nila ay gaya ng mga nakakiling na mga umbok ng mga kamelyong Baktriyano. Hindi sila papasok sa Paraiso. Hindi sila makaaamoy ng halimuyak nito, kahit pa ang halimuyak nito ay talagang naaamoy mula sa layong ganito at ganito."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Kami noon ay kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nakarinig siya ng isang lagapak. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakaaalam ba kayo kung ano ito?" Nagsabi kami: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Nagsabi siya: "Ito ay isang batong itinapon sa Impiyerno magmula ng pitumpung taon. Ito ay lumalagpak sa Impiyerno ngayon hanggang sa nagwakas ito sa kalaliman niyon."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.