Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

16 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Ang sinumang humiling kay Allāh ng kamartiran nang tapat, magpapaabot sa kanya si Allāh sa mga katayuan ng mga martir., kahit pa namatay siya sa higaan niya."
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Walang pagkahawa, walang kamalasang nakaugnay sa isang ibon, ni sa isang kuwago, ni sa [buwan ng] Ṣafar. Tumakas ka mula sa ketongin kung paanong tumatakas ka mula sa leyon."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pagsasamabuting-loob at kasalanan, kaya nagsabi siya: "Ang pagsasamabuting-loob ay ang kagandahan ng asal. Ang kasalanan ay ang anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid niyon ang mga tao."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. Kaya ang sinumang ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang ang paglikas niya ay para sa kamunduhan na tatamuhin niya o sa isang babaing pakakasalan niya, ang paglikas niya ay tungo sa inilikas niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito ang dalawang Imām ng mga Muḥaddith, sina Abū `Abdillāh Muḥammad bin Ismā`īl bin Ibrāhīm bin Al-Mughīrah bin Bardizbah Al-Bukhārīy at Abu Al-Ḥusayn Muslim bin Al-Ḥajjāj bin Muslim Al-Qushayrīy An-Naysābūrīy, sa dalawang Ṣaḥīḥ nilang dalawa na siyang pinakatumpak sa mga inakdaang aklat.
"Huwag ngang mamamatay ang isa sa inyo malibang habang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang mga gawain ay ayon sa layunin lamang. Ukol sa tao ang nilayon niya lamang. Kaya ang sinumang ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang ang paglikas niya ay para sa isang kamunduhan na tatamuhin niya o isang babaing pakakasalan niya, ang paglikas niya ay tungo sa inilikas niya."} Sa pananalita ni Imām Al-Bukhārīy: "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. ..."
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang landasing tuwid. Sa dalawang gilid ng landasin ay may dalawang pader. Sa dalawang ito ay may mga pintong pinagbubuksan. Sa mga pinto ay may mga tabing na pinalugay. Sa pinto ng landasin ay may isang tagapag-anyayang nagsasabi: 'O mga tao, pumasok kayo sa landasan nang lahatan at huwag kayong babaluktut-baluktot,' at may isang tagapag-anyayang nag-aanyaya mula sa ibabaw ng landasin, na kapag may nagnais magbukas ng anuman mula sa mga pintong iyon ay nagsasabi ito: 'Kalumbayan sa iyo! Huwag mong buksan iyan sapagkat tunay na ikaw, kung magbubukas niyan, ay lulusot ka riyan.' Ang landasin ay ang Islām. Ang dalawang pader ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang mga pintong pinagbubuksan ay ang mga pagbabawal ni Allāh. Ang tagapag-anyayang iyon sa unahan ng landasin ay ang Aklat ni Allāh. Ang tagapag-anyaya mula sa ibabaw ng landasin ay ang tagapangaral ni Allāh sa puso ng bawat Muslim."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami ng pagsasabi ng: "Ya muqalliba –lqulūbi, thabbit qalbī `alā dīnik. (O Tagapagbagu-bago ng mga puso, patatagin Mo ang puso ko sa Relihiyon Mo.)" Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sumampalataya kami sa iyo at sa inihatid mo; kaya nangangamba ka po ba para sa amin?" Nagsabi siya: "Oo; tunay na ang mga puso ay nasa pagitan ng dalawang daliri mula sa mga daliri ni Allāh, na nagbabagu-bago Siya ng mga ito kung papaano Niyang niloloob."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.