Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

16 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Ang pagsasamabuting-loob ay kagandahan ng kaasalan. Ang kasalanan ay anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid doon ang mga tao."}
Tumpak Ang Unang Hadith: Nagsalaysay nito si Imām Muslim, at ang Ikalawang Hadith: Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām Ad-Dārimīy.
"Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa higit na mainam kaysa sa antas ng ayuno, dasal, at kawanggawa?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Ang pag-aayos sa may namagitang alitan sapagkat tunay na ang pagkasira sa may namagitang alitan ay ang tagapag-ahit."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy.
"Ang mananampalatayang malakas ay higit na mabuti at higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mananampalatayang mahina. Sa bawat kabutihan, magsigasig ka sa magpapakinabang sa iyo, magpatulong ka kay Allāh, at huwag kang panghinaan. Kung may tumama sa iyo na anuman ay huwag kang magsabi: 'Kung sakaling ako ay gumawa ng ganito, naging ganito at ganito sana,' subalit magsabi ka: 'Ang pagtatakda ni Allāh at ang anumang niloob Niya ay ginawa Niya,' sapagkat tunay na [ang katagang] 'kung sakali' ay nagbubukas sa gawain ng demonyo."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{May isang lalaking nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Huling Sandali sapagkat nagsabi ito: "Kailan po ang Huling Sandali?" Nagsabi siya: "At ano ang inihanda mo para rito?" Nagsabi ito: "Walang anuman maliban na ako ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsabi naman siya: "Ikaw ay kasama ng sinumang inibig mo."} Nagsabi si Anas: {Kaya hindi kami natuwa sa anuman gaya ng pagkatuwa namin sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ikaw ay kasama ng sinumang inibig mo."} Nagsabi si Anas: {Ako ay umiibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kina Abū Bakr at `Umar at umaasa ako na ako ay maging kasama sa kanila dahil sa pag-ibig ko sa kanila, kahit hindi ako nakagawa ng tulad sa mga gawa nila.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Kapag nagtagpo ang dalawang Muslim kalakip ng dalawang tabak nilang dalawa, ang pumatay at ang pinatay ay sa Impiyerno." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, [gayon nga] ang pumatay na ito, ngunit ano po naman ang kinalaman ng pinatay?" Nagsabi siya: "Tunay na siya ay masigasig sa pagpatay sa kasamahan niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng pagtatambal niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na si Allāh ay hindi tumitingin sa mga anyo ninyo ni sa mga ari-arian ninyo subalit tumitingin Siya sa mga puso ninyo at mga gawa ninyo."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa magulang niya, anak niya, at mga tao sa kalahatan."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.