Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

12 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Rabbi -ghfir lī khaṭī’atī wa-jahlī wa-isrāfī fī amrī kullihi wa-mā anta a`lamu bihi minnī. Allāhumma -ghfir lī khaṭāyāya wa-`amdī wa-jahlī wa-hazlī wa-kullu dhālika `indī. Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa-mā akhkhartu, wa-mā asrartu wa-mā a`lantu. Anta -lmuqaddimu wa-anta -lmu’akhkhiru, wa-anta `alā kulli shay’in qadīr. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakamali ko, pagkamangmang ko, pagpapakalabis ko sa nauukol sa akin sa kabuuan nito, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa akin. O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakamali ko, pananadya ko, pagkamangmang ko, at pagbibiro ko. Ang lahat ng iyon ay sa ganang akin. O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa anumang ipinauna ko at anumang ipinahuli ko, at anumang inilihim ko at anumang inihayag ko. Ikaw ay ang Tagapagpauna at Ikaw ay ang Tagapagpahuli. Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.)"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{May pumuntang isang Arabeng Disyerto sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Magturo ka sa akin ng isang pananalitang sasabihin ko." Nagsabi siya: "Sabihin mo: Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Allāhu akbar kabīrā. Alḥamdu lillāhi kathīrā. Subḥāna -­llāhi rabbi­ -l`ālamīn. Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāhi ­l`azīzi lḥakīm. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Si Allāh ay pinakadakila sa pagkadaki-dakila. Ang papuri ay ukol kay Allāh sa pagkarami-rami. Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong). Nagsabi ito: "Ang mga ito ay para sa Panginoon ko at ano naman ang para sa akin?" Nagsabi siya: "Sabihin mo: Allāhumma -ghfir lī, wa-hdinī, wa-rḥamnī, wa-rzuqnī. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin, magpatnubay Ka sa akin, maawa Ka sa akin, at magtustos Ka sa akin.)"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Sabihin mo: O Allāh, magpatnubay Ka sa akin at magtama Ka sa akin. Mag-alaala ka sa patnubay bilang kapatnubayan mo sa daan at sa pagkatama bilang pagkatama ng palaso."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Allāhumma aṣliḥ lī dīni -lladhī huwa `iṣmatu amrī, wa-aṣliḥ lī dunyāya -llatī fīhā ma`āshī, wa-aṣliḥ lī ākhirati -llatī fīhā ma`ādī, wa-j`ali -lḥayāta ziyādatan lī fī kulli khayr, wa-j`ali -lmawta rāḥatan lī min kulli sharr. (O Allāh, isaayos Mo para sa akin ang buhay panrelihiyon ko, na ito ang pananggalang ng nauukol sa akin; isaayos Mo para sa akin ang buhay pangmundo ko, na narito ang kabuhayan ko; isaayos Mo para sa akin ang buhay na pangkabilang-buhay ko, na naroon ang balikan ko, gawin Mo ang buhay bilang karagdagan para sa akin sa bawat kabutihan, at gawin Mo ang kamatayan bilang kapahingahan para sa akin sa bawat kasamaan.)"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.