Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

4 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{Lumabas kami sa isang gabing maulan at isang kadilimang matindi, habang naghahanap kami sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na mamumuno sa amin sa ṣalāh. Nagsabi ito: Nakaabot ako sa kanya saka nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Pagkatapos nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Nagsabi siya: "Magsabi ka," kaya nagsabi ako: "Ano po ang sasabihin ko?" Nagsabi siya: "Ang Qul huwa -llāhu aḥad... (Qur'ān112) at ang dalawang ipinampapakupkop (Qur'ān 113 at Qur'ān 114) kapag gumagabi at kapag nag-uumaga nang tatlong ulit. Sasapat ang mga ito sa iyo laban sa bawat bagay."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
Ang sinumang magsabi ng: "Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay’un fi -l’arḍi wa-lā fi -ssamā’i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm (Sa ngalan ni Allāh na walang nakapipinsala sa pangalan Niya na bagay sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam)" nang tatlong ulit, walang tatama sa kanya na isang pambibigla ng isang pagsubok hanggang sa mag-umaga; at ang sinumang magsabi nito nang tatlong ulit kapag nag-umaga, walang tatama sa kanya na isang pambibigla ng isang pagsubok hanggang sa gumabi." Nagsabi ito: Tumama kay Abān bin `Uthmān ang pagkaparalisa. Nagsimula ang lalaki na nakarinig mula sa kanya ng ḥadīth na tumingin sa kanya, kaya nagsabi siya rito: "Bakit ka tumitingin sa akin?" Sumpa man kay Allāh, hindi ako nagsinungaling hinggil kay `Uthmān at hindi nagsinungaling si `Uthmān hinggil sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) subalit ngayong araw na tumama sa akin dito ang tumama sa akin, nagalit ako saka nakalimot ako na magsabi nito.}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Ang pangunahin sa paghingi ng tawad ay na magsabi ka ng: Allāhumma anta rabbī. Lā ilāha illā anta. Khalaqtanī wa-anā `abduka, wa-anā `alā `ahdika wa-wa`dika ma -staṭa`tu. A`ūdhu bika min sharri mā ṣana`tu. Abū'u laka bi-ni`matika `alayya wa-abū'u bi-dhambī, fa-ghfir lī fa-innahū lā yaghfiru -l dhdhunūba illā anta. (O Allāh, Ikaw ay Panginoon ko. Walang Diyos kundi Ikaw. Nilikha Mo ako at ako ay alipin Mo. Ako ay nasa ilalim ng kasunduan sa Iyo at pangako sa Iyo hanggang sa abot ng makakaya ko. Nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kasamaan ng nagawa ko. Kumikilala ako sa Iyo sa biyaya Mo sa akin at kumikilala ako sa Iyo sa pagkakasala ko kaya magpatawad Ka para sa akin sapagkat tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw.) Ang sinumang nagsabi nito sa maghapon habang nakatitiyak dito saka namatay sa araw nito bago gumabi, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso. Ang sinumang nagsabi nito sa gabi habang nakatitiyak dito saka namatay sa araw nito bago mag-umaga, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
"Ang sinumang bumigkas sa dalawang talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Baqarah sa isang gabi ay makakasapat ang dalawang ito sa kanya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.